Sunday , May 25 2025
Leandro Baldemor Venus Malupiton

Leandro Baldemor tutok sa ehersisyo at diet: para humaba ang buhay at iwas sakit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

EXCITED si Leandro Baldemor sa bagong project na kasali siya, ang  pelikulang bida ang content creator, si Joel Malupiton.

Nag-cameo si Leandro sa naturang comedy movie na ang role ay asawa ni Aleck Bovick.

Ani Leandro, bukod sa maganda ang istorya, malaking oportunidad sa kanya ang pelikula dahil ipalalabas sa Netflix.

Tinanggap ko siya dahil nagustuhan ko ‘yung bida.

Kasi si Joel Malupiton, ‘yung nagba-vlog, magaling siya. Kasi pinanonood ko.

“Ngayon, sinabi sa akin niyong producer na, ‘cameo role ka lang,’ ganito-ganyan. Sabi ko, ‘sinong bida?’

“Ngayon, sinabing si Joel. E, gusto ko ‘yung attitude niya. Actually follower niya ako.”

Sinabi ni Leandro na bilib siya kay Joel maging sa grupo niyon kaya nga aliw siya sa mga ito. 

Magaling sila. Makukulit ‘yung bata. ‘Tapos sabi ko nga sa kanila… Eh siyempre, ‘pag grupo, minsan kasi naghihiwa-hiwalay ‘yan, eh, ‘di ba?

“Sabi ko, dati namang wala — walang offensive na ano ‘yun, ha — basta sabi ko, ‘dating wala, nagsisimula kayo, pagbutihin n’yo ‘yung grupo n’yo. Kasi, mas maganda yung…’

“Sabi ko nga, as kuya, as tito, ang sabi ko, eh, ‘huwag kayong masilaw sa pera! Hayaan n’yo ‘yung pera ang humabol sa inyo. Diretso nyo lang ‘yan, at saka ‘yung samahan n’yo.’

“Kasi hindi ako ganoon kagaling, pero sa tagal ko na rin naman sa industriya, 30 years na siguro almost, sabi ko sa kanila, ‘Basta, huwag kayong masilaw sa pera!

“‘Kasi minsan, ‘pag silaw sa pera, ipaghihiwalay n’yo ‘yan, eh. So mas maganda, intact kayo. Diretso n’yo lang ‘yung pagpapasaya sa tao. ‘Yun, hahabulin na kayo ng pera!’”

Samantala, nakatutok si Leandro at asawang si Venus sa pag-aalaga ng kalusugan. 

Napansin kasi naming maingat ang mag-asawa sa kanilang mga kinakain at bawas talaga ang carbohydrates sa kanilang mga pagkain.

Ani Leandro, ang pagda-diet nila ay hindi dahil sa nagso-showbiz siya pero para na rin sa kanilang mga anak at kagustuhang humaba ang buhay.

Hindi na rin siguro titingnan ‘yung para mag-showbiz. Gusto namin, mabuhay kami nang matagal!

“Kasi may pinag-aaral pa kami. Ayaw naming magkasakit. May bata pa akong 15 years old. So mahaba-habang labanan pa. May college pa tayo.

“Iisa pa yung napapa-graduate ko. ‘Yung isa naman, bago pa lang sasampa ng college. So, dapat paghandaan ko ‘yung ganoong mga panahon.

Actually ang pera, kikitain naman ‘yan. Pero ‘pag ‘yung health mo ang nagkaroon ng diperensiya, maraming mawawala na.

“Hindi ka na makakapaghanap-buhay ng maayos. Hindi ka na makakadiskarte na kailangan mong gawin.

“Alam mo naman tayo, punompuno ng diskarte sa buhay. Para huwag tayong magutom,” esplika pa ni Leandro.

Kaya naman paggising nila sa umaga, shower agad at lakad na sa bundok.

Actually, bundok namin dito, nalalakaran talaga.

“Kasi sementado ‘yan. Lakad kami, siguro mga isang oras na walking pataas, tapos pababa.

Dati kinukuha namin, mga isang oras at kalahati, dalawang oras. Ngayon, isang oras na lang.

“Routine ko na ‘yan. Gising ako nang mga 5:00, 5:30 a.m. umaakyat na kami. ‘Tapos ‘pag si Venus, walang pasok (sa trabaho), kasama ko siya. ‘Pag may pasok naman, hindi ko na siya isinasama.”

Minsan nakukuha namin ng 45 minutes ‘yung pag-akyat sa bundok.

“Kasi, tinatakbo na. Lakad-takbo. Kasi minsan mabibitin ka na. ‘Pag makikita mo naman, ang sarap ng hangin,” pagbabahagi pa ni Leandro.

Kasi paligid mo, walang init. Paligid mo, ‘yung simoy ng dahon. ‘Tapos ‘yung mga huni ng ibon.

Doon ka pa makariinig ng mga huni ng magagandang ibon. After niyon, baba ka, punta ka sa hanapbuhay mo. Andiyan lang naman ang negosyo ko.

“’Tapos sa food naman, hindi na ako nag-aasukal. Hindi na ako nagkakanin. ‘Tapos isang beses lang ako kumakain sa isang araw talaga,” wika pa ng aktor.

Kasama si Leandro sa Kapuso drama series na Hating Kapatid na pinagbibidahan ng mag-anak na Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Zoren Legaspi.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …