MATABIL
ni John Fontanilla
DESIDIDO talagang maging piloto ang lsi Alden Richards at kitang-kita nga sa post nito sa social media ang mga larawan habang nagti-training.
Matagal na itong pangarap ni Alden at ito na nga ang katuparan ng kanyang childhood dream.
Swak na swak nga na nabigyan ito ng scholarship ng isang aviation school sa Clark, Pampanga.
Kaya naman bukod sa pagiging mahusay at awardwinning aktor, successful businessman and producer ay magiging certified pilot na rin ito soon.