Friday , April 25 2025
Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga ito dahil hindi siya bilib sa pagkatao ng mga nagsusulong ng nasabing grupo.

Ang dami ring lumalapit sa akin na mga partylist na pinagdududahan ko rin, talaga. Parang ang layo sa pagkatao mo niyong partylist na binibitbit mo,” ani Vice Ganda sa kanyang vlog kasama si Angkas CEO at Angkasangga Partylist First Nominee George Royeca.

Kasi ngayon, parang gamitan na lang din ang grupo ng tao na bibitbitin kuno, para mas magmukha silang relatable, mas magmukha silang masa at mayroong kaakibat,” dagdag pa ni Vice Ganda.

Ayon pa kay Vice, nagpasya siyang suportahan ang Angkasangga Partylist dahil bukod sa matagal na niyang kilala si Royeca, kaisa rin siya sa mga isinusulong na mga programa nito—kabilang ang magandang sistema ng Angkas na naipatupad na sa maraming lugar sa Pilipinas.

Isa sa mga plano ng Angkasangga Partylist na sinusuportahan ni Vice ay ang pagkilala sa informal workers bilang importanteng kasangkapan ng ekonomiya ng bansa.

Para kay Royeca, malaki ang maitutulong ng pagkilala sa informal workers para maiangat ang kanilang buhay at makaahon sa kahirapan.

Paniwala ko, we can eradicate poverty in our lifetime if you just recognize those workers that are already working on a daily basis. Have a law that will protect them, their livelihood and income,” ani Royeca.

Nakiusap din si Vice kay Royeca kung maaari nitong suportahan maipasa ang SOGIE bill kapag nakaupo na ito sa Kongreso.

Ayon kay Royeca, matagal na siyang kaalyado ng LGBTQIA+ community at marami na silang ginawang kampanya sa Angkas para suportahan ang nasabing community at makakaaasa si Vice na boboto siya para ipasa ito.

About hataw tabloid

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …