Thursday , June 4 2026
TRABAHO partylist Melai Cantiveros-Francisco

TRABAHO buong-pusong bumabati kay Melai sa kanyang kaarawan

NGAYONG 6 Abril, binati ng TRABAHO partylist si Melai Cantiveros-Francisco na siyang tumatayong kampeon ng mga reporma ng grupo para sa sektor ng mga manggagawa.

Sa reel na kanilang ini-upload sa opisyal na pahina sa Facebook na #106 TRABAHO Partylist, ipinakita  ang natural na pagiging kuwela ni Cantiveros-Francisco sa kanyang pakikisalamuha sa publiko tuwing sila ay may motorcade at bisita sa mga palengke.

Maging sa gabi bago ang kaarawan ng komedyante, makikitang game na game siyang nakikisayaw kasama ang mga nagtatrabaho sa Navotas Fisheries Port Complex.

“Walang arte” at “makamasa” si Cantiveros-Francisco na masayang nagpapaunlak na siya ay mayakap at mahalikan sa pisngi ng mga kapwa kababaihang humahanga sa kanya.

Nakisalo siyang kumain nang nakakamay kasama ang grupo at mga tindera sa Mutya ng Pasig Market.

Sa gitna ng lahat ng kasiyahan, kahanga-hanga ang determinasyon ni Cantiveros-Francisco na mabigyang oras na makaharap ang publiko nang tao-sa-tao dahil napakaimportante sa kanya na aktuwal na nakikilala at nakikita ng mga manggagawa ang kanilang iboboto at ang mga repormang kanilang binabalikat.

Ang TRABAHO partylist, numero 106 sa balota, ay nagbabalikat ng mga reporma sa batas na magbibigay ng dagdag na benepisyo at makatarungang mga kondisyon para sa lahat ng manggagawa, lalo ang mga sektor na nasa laylayan ng lipunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …