Paolo Alcantara JC Alcantara

Ex-PBB housemate Paolo mas gustong tutukan ang pag-aaral

MATABIL
ni John Fontanilla

TUMIGIL muna sa showbiz ang ex-housemate ni Kuya na si Paolo Alcantara, kapatid ng aktor na si JC Alcantara.

Mas naka-concentrate ngayon si Paolo sa pag-aaral, na first year college sa kursong BSHM- Hotel Management sa Benilde.

Bukod sa pag-aaral ay abala rin si Paolo sa pagiging influencer sa Tiktok na malaki ang kinikita at malaking tulong sa kanyang pag-aaral.

Nagpapasalamat nga si Paolo sa suporta sa kanya ng kanyang kuya JC para makapagtapos sa pag-aaral.

Okey pa rin naman si Paolo sa tv guesting, mall show, o out of town show basta ‘di maapektuhan ang kanyang pag-aaral.