Thursday , June 4 2026
Toby Tiangco Andrew E Alyansa ng Bagong Pilipinas

Cong Toby sa mga artistang kinukuha nila — they don’t endorse, they just perform

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LABINDALAWANG personalidad ang tumatakbong senador na nasa ilalim ng Alyansa ng Bagong Pilipinas at aminado ang campaign manager nitong si Congressman Toby Tiangco, na may advantage ang mga kandidatong konektado sa showbiz.

Kilala kasi sila ng mga tao. Kaya may name recall. Siyempre kapag ikaw ay personality, madaling makilala ng mga tao,” ani Cong Toby nang makausap namin ito kamakailan.

“Pero in fairness, sa lahat naman ng mga kandidato namin, masisipag talaga lahat,” sabi ni Cong Toby.

Tama ang tinutan ni Cong Toby dahil advantage talaga kina Tito Sotto, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Bong RevillaErwin Tulfo ang pagiging artista at media man dahil kilalang-kilala na sila ng publiko.

Pero hindi rin dapat maliitin ang iba pang kaanib ng Alyansa tulad nina Pia Cayetano, Imee Marcos,Francis TolentinoPing LacsonCamille Villar Benhur Abalos, at Abby Binay dahil kilala na rin ang kanilang mga pangalan at hindi naman mga first timer sa politika.

Samantala, sinabi pa ni Cong Toby na si Andrew E lang ang kinausap niya makasama sa kanilang mga sortie.

Aniya, “Kinuha namin siya for all sorties. Kaya ako ‘yung nakipag-usap because the package was to get him for all sorties.

“Since medyo buong kampanya ‘yung pinag-usapan, ako ‘yung nakipag-usap sa kanya.

Hindi naman ibinuking ni Cong Toby ang TF ng magaling na rapper nang kulitin namin ukol dito. 

Basta aniya, naroon si Andrew o iba pang kinuhang artists para mag-entertain at hindi kailangang iendoso ang mga kandidato.

Kasi siyempre habang naghihintay naman sa mga kandidato, mahirap naman na walang nag-e-entertain sa kanila.

“For example, magsisimula ngayon ‘yung first speaker ng 4:00 p.m. So, habang naghihintay ang mga tao, dapat may nag-e-entertain naman sa kanila.

“Not as endorsers. ‘Yung mga kinukuha naman naming celebrities sa stage, they don’t really endorse, eh. They just perform, para lang masaya ‘yung tao,” giit pa ng kongresista.

Idinagdag pa ni Cong Toby na magagaling ang mga entertainer sa live performance, “kaya malaking bagay ‘yung nandiyan sila para maaliw ang mga taong nanonood sa mga ginagawa nilang rally.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …