Thursday , June 4 2026
Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

Mag-utol inaresto sa P.408-M shabu

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang magkapatid na sangkot sa pagtutulak ng droga makaraang makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P480,000 nitong Huwebes sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Acting District Director, P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., ni PLtCol. Bryan Angelo Pajarillo, station commander ng Talipapa Police Station (PS 3), kinilala ang naarestong  magkapatid na sina Jonathan, 27 anyos, residente sa Brgy. Binakayan, Kawit, Cavite, at Jayson Dichoso, 28 anyos, residente sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon City.

Nauna rito, dakong 9:03 pm, nitong Huwebes, 20 Pebrero 2025, nagsagawa ng buybust operation sa bahay ni Jayson ang pinagsanib na puwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU), PS 3, at Masambong Police Station (PS 2) makaraang makatanggap ng impormasyon kaugnay sa illegal drug activity ng suspek na si Jonathan.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis at nakipagtransaksiyon kay Jonathan. Nang iabot ni Jonathan ang shabu sa poseur-buyer na nagkakahalaga ng P1,000, nagbigay ng hudyat ang buyer sa kapwa operatiba kaya dinakip si Jonathan at si Jayson ay inaresto din sa nasabing lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000, coin purse, apat na cellular phones, at ang buybust money.

Ang magkapatid ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165  (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa  Quezon City Prosecutor’s Office.

“Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa ating mga operatiba sa kanilang walang humpay na pagsusumikap sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta nang matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek at pagkakasamsam ng mga ebidensiya,” pahayag ni PCol. Buslig, Jr. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …