Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lisik Origin Point John Renz Cahilig Dominic Orjalo

Zombie movie ni direk Cahilig ‘di ginaya Korean series

RATED R
ni Rommel Gonzales

PALABAS simula February 19 sa mga sinehan ang zombie movie na gawang Pinoy, ang Lisik Origin Point ng direktor na si John Renz Cahilig.

Sa kuwento, isang guro ang may isasagawang eksperimento sa loob ng isang eskuwelahan pero may pagkakamaling magaganap kaya magkakaroon ng zombie outbreak.  

May napanood kaming ganitong series sa Netflix, ang All Of Us Are Dead ngunit ayon kay direk John ay hindi niya ginaya o kinopya ang naturang South Korean TV series.

Bago pa man ipalabas ang AOUAD ay nasimulan na nilang gawin ang Lisik Origin Point sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nagkataon lamang na parehong sa loob ng isang paaralan ang setting ng dalawang nabanggit na proyekto at ang mga main character ay mga estudyante at teacher.

Ang cast ng pelikula ay binubuo nina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, atRosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang batikang aktor na si Ramon Christopher.

Produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa pelikula rin sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.

Mula ito sa executive producer na si Dominic Orjalo na siya ringnagmamay-ari ng Dominic Institute of Science and Technology na maraming branches sa Bulacan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …