Thursday , June 4 2026
Jillian Ward Michael Sager

Jillian Ward ayaw pang magka-BF

MATABIL
ni John Fontanilla

SA ganda ng itinatakbo ng showbiz career ni Jillian Ward, ayaw pa nitong magkaroon ng karelasyon.

Sa ngayon ay mas gusto nitong bigyan ng oras at atensyon ang kanyang career more than love dahil sayang naman ang tiwala at magagandang proyektong ibinigay sa kanya ng home studio kung mas magpo-focus siya sa pag-ibig.

Sa edad na 20 ay nasa tamang edad na si Jillian para magka-boyfriend, pero  hindi naman ito nagmamadali na magkaroon ng karelasyon. May tamang oras para rito aniya, pero hindi ngayon lalo’t papaganda nang papaganda ang kanyang career.

Sa ngayon ay nagpapasalamat si Jillian sa magandang pagtanggap ng netizens sa bago niyang proyekto sa GMA 7, ang My Ilonggo Girl katambal ang guwapo at mahusay umarte na si Michael Sager na pataas nang pataas ang ratings.

Kaya nga dapat tutukan at walang bibitiw dahil mas marami pang mangyayaring kapana-panabik na eksena sa mga susunod na episodes ng My Ilonggo Girl.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …