Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bini ABS-CBN Contract Signing

Nation’s Girl Group na BINI kabi-kabila ang project — single, LP, world tour

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MANANATILING Kapamilya ang nation’s girl group na BINI sa kanilang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN sa ginanap na BINI: Kapamilya Hanggang Dulo, ang Network Contract Signing ng BINI sa ABS-CBN na ginanap noong Martes (Pebrero 4) sa ABS-CBN Dolphy Theater. 

Kompleto ang BINI members na sina Sheena, Jhoanna, Mikha, Stacey, Gwen, Maloi, Colet, at Aiah sa kanilang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, sa talent management arm na Star Magic, at music label na Star Music, sa apat na taon pagkatapos ng kanilang debut. 

Ipinahayag ni ABS-CBN COO Cory Vidanes ang pagbati at pasasalamat ng Kapamilya network sa blooming idols. 

Thank you for your continued trust in ABS-CBN. You entrusted us since the day each of you auditioned for BINI until today when you signed our new contract. This is a commitment to our shared goal of world-class excellence.  Congratulations to all your successes, we are very proud of who you have become and what you have achieved,” aniya.   

BINI, you are very special and you have become a part of Pinoy culture. You rightfully deserve to be called the nation’s girl group and the pride of the Filipino people,” dagdag pa niya.  

Nagpasalamat naman ang grupo sa pamamagitan ni BINI Aiah sa ABS-CBN sa tiwala ng kompanya sa kanila at sa pagsuporta sa kanilang individuality at authenticity.  

Sabi niya, “Thank you because you were the first one who believed in us. Thank you because you allow us to become authentic, you allow us to grow at our own pace. We also get to have our voice and you don’t shut us down.”

Excited na rin ang grupo sa mga susunod na taon na pagsasamahan nila. Aniya, “We’ve gone through a lot for the first couple of years together at hindi  madali with the whole shutdown, pandemic, and everything else. but knowing that we can get through that, ano pa kaya in the next couple of years? And I think what’s going to be beautiful is that we’re all still gonna be there for each other and conquer through all of those.” 

Samantala, nagpasalamat naman ang leader ng grupo na si Jhoanna sa kanilang mga pamilya sa masusing paggabay sa journey ng grupo. 

Aniya, “Alam n’yo ba, Blooms, na rito sa lugar na ito, rito rin kami unang nag-evaluation. Parang bumabalik lang ang memories at kasama ulit namin ang families namin. Thank you for keeping us grounded kasi sobrang overwhelming ‘yung mga nangyari. Thank you for guiding us na maging humble palagi.”

Kasama rin sa mahalagang okasyon sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief financial officer Rick Tan, head ng entertainment production at Star Magic na si Lauren Dyogi, ABS-CBN Music head Roxy Liquigan, at ang manager ng BINI mula sa Star Magic na si Mylene Quintana-Mallari

Naging saksi rin sa bagong milestone ng BINI ang kanilang mga pamilya, sa kanilang fans na tinatawag na BLOOMs, brand partners, at miyembro ng media. 

Ngayong 2025, ang ‘born to win’ Filipino act ay nakatakdang maglunsad ng bagong single na Blink Twice, maglabas ng bagong EP, pangunahan ang BINIverse World Tour, at iba pa. Magaganap na ang BINIverse World Tour: Philippines sa Peb. 15 (Sabado) sa Philippine Arena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …