Friday , March 28 2025
Herlene Budol Binibining Marikit

Herlene iginiit ayaw nang mainlab sa kapartner

MA at PA
ni Rommel Placente

SA mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Binibining Marikit, inamin ng bida rito na si Herlene Budol na nagpa-psychiatrist siya pagkatapos niyang gawin ang unang serye sa Kapuso Network na Magandang Dilag, na nasangkot siya sa kontrobersiya nila noon ng leading man niyang si Rob Gomez.

Nagpa-doktor po ako para po ma-process po siya ng maayos sa akin. Kung bakit may mga ganoong klase ng tao na talagang hihilahin ka pababa kapag alam nilang itinataas ka ng Panginoon,” sabi ni Herlene.

Patuloy niya, “Nagpa-help po ako sa doktor para matanggap ko ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Kasi para ma-overcome ko po lahat. Mabigat po eh na paratang sa akin. Kaya parang  mahirap po ‘yung naging sitwasyon ko  at mahirap po mag-move on sa ganoong sitwasyon na alam ng Panginoon kung ano ‘yung tama at mali.”

Nakapag-move on na raw siya ngayon pero ang natatawa niya pang sabi, “Ang tanong naka-move on na ba ang mga tao?” 

Sa Binibining Marikit  ay matitiyak ba niyang hindi uli ito mangyayari sa kanya?  

Wala na pong kainan na magaganap,” ang natatawang sagot ni Herlene.

Kasi po, parang iyun naman ang ipinupunta natin dito, bakit pa natin sasabihin!” hirit pa niya.

 “Kasi hindi mo talaga maiwasang ma-in love talaga sa ka-partner. Kaya hindi po talaga ako makapagsalita ng tapos. So, ayoko pong maulit ‘yung trauma na ibinigay sa akin noong last na co-actor ko na parang ang bigat na hindi ako naipagtanggol na walang boses na magsalita. Pero rito po sa kanilang dalawa na with or without issue ay maipagtanggol nila ako,” sabi pa ni Herlene.

Sa February 10 na magsisimula ang Binibining Marikit sa afternoon drama ng GMA 7. Idinirehe ito ni Jorron Lee Monroy.

About Rommel Placente

Check Also

Ruru Madrid Lolong

Ruru mas magiging maaksiyon seryeng pinagbibidahan

RATED Rni Rommel Gonzales EXCITED ang netizens sa mga bagong mukhang ipakikilala sa Lolong dahil tiyak na …

Cecille Bravo NCCAA

Celebrity Businesswoman Cecille Bravo pinarangalan ng NCCAA

MATABILni John Fontanilla MULING tumanggap ng parangal ang Celebrity Businesswoman at Philanthropist na si Cecille Bravo at …

Nadine Lustre Mayon

Nadine ibinida Bicol express, bulkang Mayon

MATABILni John Fontanilla PINUSUAN  ng mga netizen ang post ng award winning actress, Nadine Lustre, isa sa …

Vilma Santos

Ate Vi tinutuligsa ng isang nagpipilit magkaroon ng showbiz connection

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAPANSIN-PANSIN ang sobrang pagpipilit magkaroon ng showbiz connection itong politikong mula …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo Mendrez iniwan ni Mark sa ere

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HINDI naman po siguro, pero baka nang-iwan lang sa ere,” sagot ni Jojo …