Monday , February 17 2025
Firing Line Robert Roque

Mga espiya ng China, buking na!

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

HINDI na bago sa atin ang hindi magagandang ginagawa ng China at ang walang kahihiyan nitong pagpuntirya sa isa sa pinakamalalapit, pinakamahihina, at pinakamahihirap na kalapit-bansa, ang Filipinas.

Tinutukoy ko ang realidad na nabunyag sa pagkakaaresto sa limang Chinese na nahuling nag-eespiya sa assets ng Navy at Coast Guard sa Palawan noong nakaraang linggo.

         Ang paraan kung paano nagawa ng limang taga-Mainland, na madalas ditong bumisita, na suwabeng mapabilang sa lipunan ng Filipinas nang hindi matutunton ay dapat ikabahala ng bawat Filipino.

Metikuloso ang pag-eespiya, nagbabato ng detalyadong intelligence na kanilang nakalap gamit ang drones at CCTV cameras na estratehiko ang pagkakapuwesto, pawang nakatutok sa West Philippine Sea.

Sa pag-aresto, nakompirma ang matagal nang suspetsa ng marami: Masyado nang maraming nalalaman ang Beijing, sa napakabilis na panahon, tungkol sa maritime operations ng Filipinas.

Ang malaking tanong — sinong sumusuporta sa kanila? Nag-aalangan pa ang gobyerno na tukuyin ang China, pero magpakatotoo na tayo: hindi naman magsasagawa ng masusing paniniktik sa militar ang kahit sinong kriminal dahil sa katuwaan lang.

Hindi lamang ito basta pagsuway sa seguridad; isa itong paglabag sa soberanya. Ang katotohanang malayang kumikilos ang mga espiyang ito sa bansa, nang walang nakaaalam, sa loob ng maraming taon, habang nagkukunwaring negosyante o nagkakawanggawa, ay dapat panagutan ng mga nasa likod nito – kung hindi sa kamay ng ating makakapangyarihang kaalyado, sa kamay ng ating Panginoon.

Senadong showbiz

Na-encounter n’yo ba ang isang pilyong komentaryo: “Ang politika ay showbiz para sa mga pangit?” Wala itong malalim na hugot, dahil literal ang kahulugan nito. Hahaha!

Well, gaano man ito kamapang-asar o kalapit sa katotohanan, iba ang ipinahihiwatig ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS) sa mga kandidato para senador. Sa survey, mga artista at entertainers kasi ang bidang-bida.

Ang action star-turned-senator na si Ramon “Bong” Revilla, Jr., at ang TV gameshow host na si Willie Revillame — kapwa magnet ng masa — ay parehong dumausdos mula sa survey noong nakaraang taon at ngayon ay nasa dulo na ng Magic 12.

Ang isa pang action star, si Lito Lapid, nananatiling popular sa Senado. Umangat sa survey ang bibihirang magparamdam sa mga sesyon, at ngayon ay nasa ikatlong puwesto na. Marahil mas nakahihikayat ang kanyang macho image kaysa aktuwal niyang pagganap sa tungkulin bilang mambabatas.

Andiyan din si Tito Sotto, na ang kredibilidad ay nabibitbit pa rin ng wholesome vibe ng Eat Bulaga; mula sa ikalimang puwesto ay pangalawa na siya sa huling survey.

Hindi ako sigurado kung maikokonsidera pa ang ate, si Imee Marcos – na may acting credits sa kanyang pangalan — bilang “showbiz personality.” Ngunit, bagamat malapit siya sa mundo ng sining, nanawa na marahil ang ilan sa kanyang madalas ay madramang mga eksena, na mistulang hindi naman convincing kung ikokonsidera ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga Duterte at sa kanyang disgusto kay Speaker Martin Romualdez — isang sister act na nagpuwesto sa kanya ngayon sa 12th-14th place.

                                           *         *         *

 SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Video-karera na matagal nang laos, bumabalik na naman

YANIGni Bong Ramos MULI yatang ibinabalik sa mga lansangan ng Maynila ang mga makina ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagbaba ng krimen  sa QC, ‘wag balewalain — Napolcom Comm. Calinisan

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabasa – huwag balewalain o isnabin ang pagbaba …

Firing Line Robert Roque

Aalisin na ang EDSA busway?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG SUWERTE lang natin na magkaroon ng transportation chief …

Dragon Lady Amor Virata

SOCE ng mga kandidato bubusisiin ng COMELEC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HETO na, tuwing eleksyon lagi na lang sinasabi ng …

Sipat Mat Vicencio

Koronang ‘epal queen’ aagawin ni Camille kay Imee

SIPATni Mat Vicencio MUKHANG maaagaw ni Rep. Camille Villar kay Senator Imee Marcos ang korona …