Cloud 7 Marianne Bermundo Nasa Cloud 7 Ako

Cloud 7 at Marianne Bermundo magsasama sa Nasa Cloud 7 Ako

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGKAKAROON ng major concert ang isa sa sikat at tinitiliang PPop boy group sa bansa, ang Cloud 7na gaganapin sa Music Museum sa February 28, 7:00 p.m. entitled Nasa Cloud 7 ako heartbeats for a cause with Marianne Bermundo.

Ang Cloud 7 ay binubuo nina Lukas Garcia, Johann Nepomuceno, Egypt See, Kairo Lazarte, Migz Diokno PJ Yago, at Fian Guevarra na nag-debut noong August 20, 2023 sa kanilang first hit single na Tara Na under GMA Music.

Magigjng espesyal na panauhin ng Cloud 7 sina Marianne, Miss Teen Culture World International 20023 at ang modelo na si Yancy De Vega.

Ang Cloud 7 concert ay hatid ng Philippines BEST Magazine ng kaibigang Richard Hin̈ola  for the benefit of children with chronic illness and health awareness for youth.