Wednesday , January 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system glitch ang nangyaring pagkawala ng pera ng mga users nito noong weekend.

Ayon kay Executive Director Alexander Ramos, titingnan ng CICC ang posibilidad na isang organized breach ng ilang partikular na GCash accounts  ang dahilan ng unauthorized fund transfers nitong weekend.

Tinukoy ni Ramos, nagsimula nilang tutukan ang isyu ng organized breach imbes na system glitch matapos nilang silipin ang kaso ng komedyante na si Pokwang o Marietta Tan Subong sa totoong buhay.

Matatandaang sa isang social media post ng aktres ay ibinahagi nito na nawalan siya ng P85,000 at nagkaroon ng fund transfers sa ibang mga accounts.

Dahil dito ay nanawagan si Ramos kay Subong na makipagtulungan sa kanila at ibahagi sa publiko kung ano talaga ang nangyari.

Kaugnay nito, nanawagan si Ramos sa mga biktima ng scam partikular ang nangyaring unauthorized fund transfer sa GCash nitong weekend.

Sinabi ni Ramos, hinihimok niya ang lahat ng nabiktima ng nasabing scam na lumantad at makipagtulungan sa kanila.

Nais nina Ramos na malaman ang kabuuang pangyayari ng unauthorized fund transfers at mabigyan ito ng aksiyon.

Maaari aniyang makipag-ugnayan sa kanila sa numerong 1326 na bukas mula Lunes hanggang Linggo 24/7. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Ping Lacson Martin Romualdez

Lacson: ‘hindi enough’ testimonya ng mga saksi laban kay Romualdez

AMINADO mismo si Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi sapat ang testimonya ng mga saksi …

Manuel Bonoan

Sa takot maaresto sa Estados Unidos
Ex-DPWH Sec. Bonoan lumipad pabalik ng bansa

SA PANGAMBANG maipaaresto ng Senado si dating Department of Public Works and Highways (DPWH)  Secretary …

Ping Lacson

Ebidensiya ‘di ingay magpapanagot sa mga sangkot sa kurakot – Lacson

NANINIWALA si Senador Panfilo “Ping” Lacson, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na ebidensiya at …

Manuel Bonoan Trygve Olaivar Roberto Bernardo

Bonoan at DepEd Usec. Olaivar itinanggi akusasyon ni Bernardo

MARIING pinabulaanan nina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at …

Erin Tañada Liberal

Hindi Pasisiil: Manindigan, demokrasiya’y ipagtanggol – LP Acting President Tañada

IPINAGDIWANG kahapon, 19 Enero ng Liberal Party of the Philippines ang kanilang ika-80 anibersaryo bilang …