I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGSASALITA ngayong araw na ito, Lunes, si Ai Ai de las Alas sa Fast Talk With Boy Abunda ukol sa estado ng pagsasama nila ng asawang si Gerald Sibayan.
Nitong weekend eh kumalat ang balitang hiwalay na sina Ai Ai at Gerald at kinompirma sa amin ng isang malapit sa Comedy Queen na hiwalay na ang dalawa.
Walang detalyeng lumabas pero noong guesting ni Ai Ai sa My Mother, My Story na si Boy ang nag-interview may nakapansing walang banggit si Ai tungkol kay Gerald.
Pawang espekulasyon lang ang dahilan ng hiwalayan gaya ng third party, pananakit at iba pa. Wala naman sigurong ililihim si Ai Ai kay Boy na kaibigan at ama ang tawag niya.
Birthday pa naman ni Ai Ai this November 5 kung tama kami ng petsa ng kaarawan niya.