Thursday , June 4 2026
Rufa Mae Quinto Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae

Rufa Mae nasabik sa balik-acting, ‘di inaasahang mabibigyan ng 2nd chance

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Rufa Mae Quinto na nasabik siyang magtrabaho sa harap ng kamera pero nilinaw na priority niya pa rin ang anak na si Athena (7) at ang asawang si Trevor Magallanes.

Kasama si Rufa Mae sa pelikula ng UxS (Unitel x Straightshooters), ang Mujigae na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Kim Ji soo, at ng batang si Ryrie Sophia at kitang-kita namin ang excitement dito nang dumalo sa presscon nito kamakailan na isinagawa sa Sequioa Hotel sa Quezon City. Matagal din naman kasi siyang nawala sa showbiz at nanirahan sa Amerika para roon tutukan ang pamilya.

Na-miss ko ang showbiz. Pero ang laging iniisip ko ang anak ko. Pero parang siya na rin mismo ang nagsasabi ng, ‘sige ma work ka na muna.’ Lagi ko kasing iniisip din na  ‘ano tatanggapin ko ba? Baka kailangan pa niya ako.’” ani Rufa Mae.  

Naibahagi ni Rufa Mae na hindi niya ine-expect na mabibigyan siya ng second chance sa showbiz dahil sa ilang taon ding pagkawala niya sa showbiz. Hindi rin kasi siya agad nakauwi lalo’t sa Amerika siya inabutan ng pandemic.

Actually, hindi ko inaasahang makababalik ako (showbiz). Hindi ko rin alam kung ano…kinukuwestiyon ko ang sarili ko noon and ganoon pala after niyong pandemic. Sabi ko, ‘ano ang kahihitnan ko? Ganito lang? Maganda naman ang buhay ko, pero normal na tao, wala akong trabaho roon, ‘yung alaga lang—housewife, mommy, ganyan. Tapos sabi ko, ‘bakit ganito?’ kasi nasa US ka na,” paglalahad ng komedyana.

Kaya naman noong makauwi ng Pilipinas nasagot ang lahat ng agam-agam niya. Napatunayan din niyang click pa rin siya sa madlang people lalo na nang mapasama siya sa It’s Showtime. 

Nag-e-enjoy ako pero parang hindi ko na rin alam kung bakit nangyari ‘yun. Siguro kapag mabuti kang tao, nakatutuwa ka, may magaganda rin sa jokes at siguro kasi ang generation ko iba sa ngayon,” sabi pa ng aktres.

Special participation lamang si Rufa Mae sa pelikulang Mujigae (Rainbow) pero na-enjoy niya ng role niya na ang istorya ay iikot sa isang batang five year old that can heal broken bonds. Isang masayahin at mabait na bata si Mujigae (Ryrie) na inalagaan ng kanyang tiyahin na si Sunny (Alexa). Susubukin ng tadhana ang kanilang masayang pamumuhay pagdating ng tunay na tatay ni Mujigae (Kim Ji Soo). At dito magsisimula ang twists and turns ng kuwento.

Kasama rin sa pelikula sina Richard Quan, Donna Cariaga, Kate Alejandrino, Anna Luna, at Cai Cortez. idinirehe ni Raldolph Longjas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …