Thursday , June 4 2026
LA Santos Kira Baringer

LA at Kira mahusay sa Maple Leaf Dreams

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang lead actors ng pelikulang Maple Leaf Dreams na sina LA Santos at Kira Baringer sa magandang feedback ng mga taong nanood ng kanilang pelikula na ang premiere night ay ginanap sa Gateway 2 Cineplex last September 20.

Ang Maple Leaf Dreams ay mula sa mahusay na direksiyon ni Benedict Mique, at sa panulat ni Hannah Cruz.

Maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Direk Benedict, mahusay sina LA at Kira na gumanap sa role nina Macky at Molly, ang magkasintahang pumunta ng Canada para sa pinapangarap na magandang buhay, pero hirap lang ang pinagdaanan sa nasabing bansa.

Kakaibang Kira ang mapapanood dito na mas humusay at lumalim ang pag-arte, samatalang ‘di naman matatawaran ang husay dito ng ilang ulit ng nanalong Best Supporting Actor na si LA na talaga namang madadala ka sa kanyang mga eksena.

Kasama nina Kira at LA sa nasabing pelikula sina Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago, Joey Marquez, Snooky Serna, Jef Gaitan, Benito Mique, Malou Crisologo, at Jong Cuenco.

Dumalo at sumuporta sa pelikula nina LA at Kira sina Jameson Blake, Bailey May, Seth Fedelin, Anji Salvacion, Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, Krystal Brimner.  Gillian Vicencio, Direk Easy Ferrer, Kim Molina, at Jerald Napoles.

Ang Maple Leaf Dreams ay hatid ng 7K Entertainment, Lonewolf Films, at ABS-CBN’s Star Magic at mapapanood sa mga sinehan nationwide simula  September 25 at sa Canada simula September 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …