Thursday , June 4 2026
Ma Dong Seok Chavit Singson

Korean-American Ma Dong Seok magtatayo ng studio sa ‘Pinas; Manong Chavit inanunsiyo tatakbong senador sa 2025 election

INANUNSIYO ni dating Ilocos Governor Chavit Singson na napagdesisyonan niyang tumakbong senador sa darating na eleksiyon.

Ang pahayag na ito’y isinagawa ni Manong Chavit sa isang event ng League of Mayors of the Philippines.

Ako na ang utusan ninyo sa senado kung papalarin”, sabi ni Chavit sa kanyang speech sa naturang pagtitipon.

Ang anunsyong pagbabalik-politika ni Manong Chavit ay malugod na tinanggap ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

Samantala, bago ang anunsiyo nagpasalamat si Chavit sa ginawang pag-endoso sa kanya kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ribbon cutting at opening ng ika-11 sangay ng BBQ Chicken sa Festival Mall, sinabi ni Chavit na, “nagpapasalamat ako kay dating Pangulong Duterte na naalala ako, it’s an honor to be endorsed by the president and hindi na ako nakipag-usap sa kabila dahil puno na sila nakakahiya namang ipagsiksikan ko ang sarili ko.

Nagpapasalamat lang ako kay Presidente Duterte. At pinipilit ako ng mga mayor, councillors, governors” sabi pa ni Manong Chavit na tatakbong independent sa ilalim

ng kanyang partido.

Samantala, muling sinabi ni Chavit na tuloy na tuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Manny Pacquiaokasama ang Korean-American Superstar na si Ma Dong Seok.

Pupunta siya rito para gumawa ng pelikula.

Interested nga silang gumawa ng studio sa Vigan kasi hindi lang isang pelikula ang gagawin nila kundi marami,” pagbabalita pa ni Manong Chavit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …