Monday , May 19 2025

Paratang ni Win itinanggi  
MAYOR ALICE GUO“CONSISTENT” SA ISYUNG PINOY

062024 Hataw Frontpage

NANATILI at hindi nagbabago ang paninindigan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na siya ay isang Filipino at mariing itinanggi  ang mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian tungkol sa kanyang citizenship.

Giit ng alkalde, wala siyang alam at kinalaman sa mga dokumentong ipinakita ng senador na umano ay galing sa Board of Investments (BOI) at Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Mayor Guo, ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad  sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Gatchalian.

Idinagdag ni Guo, mayroon siyang Philippine passport na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pagpapatunay na siya ay isang Filipino.

Mayroon din umano siyang mga negosyo, personal properties, at lupa sa Filipinas, gayondin, siya ay nagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Guo, tumakbo at nanalo siya bilang alkalde sa Bamban, Tarlac, dahil siya ay isang lehitimong residente at walang dudang Filipino.

“Kung ako ay isang Chinese citizen, bakit pa kailangang kumuha ako ng Chinese visa tuwing bibisita sa China?” pahayag ni Mayor Guo.

Binigyang-diin ni Mayor Guo, bagamat walang direktang probisyon sa batas na nagsasaad na ang isang tao ay awtomatikong mamamayan ng bansang kanyang tinitirahan, may mga mekanismo upang maiwasan ang statelessness.

Ang Constitution ng Filipinas at mga batas nito ay nagbibigay-diin sa pagkakaroon ng nationality base sa jus sanguinis at iba pang mga probisyon para sa pagkilala sa pagka-Pilipino.

Ipinaliwanag ni Mayor Guo, naniniwala siya na mananaig ang hustisya at ang paninindigan ng kanyang pagka-Filipino sa kabila ng mga pagdududa ng kanyang mga kritiko.

“Welcome sa akin ang mga proceedings sa proper forum na nagta-challenge sa aking citizenship at handa akong harapin ito,” giit ni Mayor Guo.

Sa kabila ng mga alegasyon laban sa kanya, sinabi ni Guo na nagpapaabot siya ng kanyang pasasalamat sa mga residente ng Bamban na patuloy ang suporta sa kanyang liderato at patuloy na pagpapakita ng kanilang malasakit sa kanyang kinahaharap na laban.

Aniya, makaaasa ang kanyang mga nasasakupan ng kanyang dedikasyon at paglilingkod na may integridad at pagsusumikap.

About hataw tabloid

Check Also

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …

Rice, Bigas

P20 rice program isusulong sa Navotas

MAAARI nang makabili ng halagang P20.00 kada kilo ng bigas ang mga residente ng Navotas …

Motorcycle Hand

Operasyon ng motorcycle taxi company ‘status quo’ – LTFRB

MANANATILI ang operasyon o ‘status quo’ ang pagbiyahe ng motorcycle taxi na Move It. Inihayag …

Walang budget sa manual recount ng boto – Comelec

INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan …

Comelec Ballot Election

63 nanalong partylists, ipoproklama ngayon

INAASAHANG ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, 19 Mayo, ang mga nagwaging partylist …