Tuesday , June 25 2024
Martin Nievera Ogie Alcasid Regine Velasquez Streetboys

Ogie-Martin collaboration tuloy na tuloy na, Streetboys muling magsasama-sama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SIKSIKAN at ‘di makamayaw ang mga dumalo sa trade launch ng  A-Team (Alcasid Total Entertainment & Artist Management) ni Ogie Alcasid noong Huwebes sa  CWC Interiors sa BGC, Taguig. 

Star-studded ang event na nagsilbing host sina Randy Santiago at Amy Perez. Dumalo sa pagtitipon sina Martin Nievera, Lara Maigue, Jed Madela, Streetboys sa pangunguna nina Vhong Navarro at Jhong Hilario, Ryan Bang, Ara Mina at asawang si Dave Almarinez at iba pa. Nakita rin namin ang ilang executives ng ABS-CBN tulad nina Martin Lopez at Cory Vidanes.

Abala rin noong gabing iyon ang asawa ni Ogie na si Regine Velasquez na naghandog ng medley songs. 

Sa trade launch, inanunsiyo ni Ogie ang 21 shows na ipo-produce ng kanyang A-Team kabilang na ang kolaborasyon o ang malaking concert ni Martin Nievera sa September 27, 2024 sa Araneta Coliseum gayundin ang reunion concert ng Streetboys sa November 8 sa New Frontier Theater sa Cubao, QC, at ang concert nina Lara at Gian sa Gateway.

Sa pakikipag-usap ng entertainment press kay Ogie nasabi nitong hindi agad naniwala si Martin nang sabihin niya ang planong big concert para rito gayundin si Vhong para naman sa Streeboys reunion concert.

Singit ni Martin, “Ogie’s giving me a car, it’s what I’m told. It’s a car, it’s a bonus for this concert. No wheels, but a car.”

Sinabi naman ni Ogie na nagsimula ang ideang concert ng Streetboys nang marinig niya sa dressing room ang pag-uusap ina Vhong at Jhong.

“Nasa dressing room kami, naririnig ko sina Vhong, Jhong, they wanted to have a reunion and I said, ‘o, di i-produce ko na,’” ani Ogie.

Bukod kina Vhong at Jhong, uuwi sina Spencer, Joseph, Sherwin, at Michael para muling sumayaw kasama ang iba pa sa kanilang grupo.

Bukod kina Martin at Streetboys, ipo-produce rin ni Ogie na magaganap naman sa 2025 ang String Fever ni Noel Cabangon kasama ang mga kaibigan nito, ang Power X3 nina Jed, Bituin Escalante, at Poppert Bernadas, at ang concert series ni Ogie. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

Stell Ajero Charice Pempengco David Foster

Charice Pempengco tuluyan nang binura ni Stell

HATAWANni Ed de Leon “MAG-CHARICE Pempengco ka ulit gulatin mo ang mga tao,” ang reaksiyon ni Racquel …

Kevin Costner Horizon An American Saga 

Horizon: An American Saga ni Kevin Costner na binigyan ng standing ovation sa Cannes mapapanood na sa June 28

NAGBABALIK ang aktor/direktor na si Kevin Costner sa pamamagitan ng pelikulang Horizon: An American Saga na nagtatampok din kina Sienna …