Saturday , June 22 2024
Kiko Estrada Lumuhod ka sa Lupa

Kiko tatapatan sa pag-aaksiyon sina Coco at Ruru

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

AYAW pag-usapan ni Kiko Estrada ang mga naging relasyon niya in the past lalo na ‘yung mga galing sa showbiz.

Hindi naman daw dahil sa may pangit na posibleng mabuksan kundi mas maayos na kung may kanya-kanya na lang silang dapat na lugar.

Sineseryoso ni Kiko ang pagiging action star. Nang dahil sa series niyang Lumuhod ka sa Lupa sa TV 5ay mas nakapag-focus ang aktor na busisiin ang isyu ng kanyang physical health. 

Mas madalas na siya sa gym, nag-aaral ng jujitsu, ng ibang action stunts at nag-aaral pa ng mahusay na Tagalog bilang isang magaling na abogado na role niya sa series.

By the way, simula ngayong Lunes, May 27, ay lilipat na sa primetime ang series ni Kiko.

Meaning, direkta na itong makikipag-kompitensya sa mga action series nina Coco Martin sa ABS-CBNat Ruru Madrid sa GMA 7.

Challenged at pressured din si Kiko pero natural lang ‘yun. “I look at them as good action stars. Nandoon na sila habang ako ay nagsisimula pa lang,” sey ng mas hunk at guwapo ngayong si Kiko.

About Ambet Nabus

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …