Wednesday , April 17 2024
KathDen Kathryn Bernardo Alden Richards

KathDen click na click ang sweetness: request ng fans,kayo na lang! 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGKAKAGULO ang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa sunod-sunod na posting ng mga picture at video together ng dalawa. Hindi lang kasi magkasama kundi ‘ika nga, sweet overload kaya naman lahat ay kinikilig at sinasabing sana’y sila na lang.

Pwede namang mangyari lalo’t parehong single sina Kathryn at Alden kaya ‘yan ang ating aabangan kung posible nga lalo’t muling magsasama ang dalawa sa pelikula.

Nagkasunod-sunod ang posting ng mga sweet pictures at videos nina Kath at Alden matapos dumalo sa birthday ng una ang aktor. At sa mga video at pictures ng mga ito’y talagang tinutukso na.

Di ba nga, kinantahan ng aktor ang aktres kasama si Kakai Bautista ng Bakit Ngayon Ka Lang na ikinatuwa ni Kathryn. 

At pagkatapos ng kanta, sinabi ni Alden na, “Happy birthday, Kath. ‘Di ko ginagawa ‘to.”

Wow! ang lakas talaga ni Kath kay Alden. Iba!!!

Sa Instagram story naman ng fashion stylist na si Priscilla Ann “Boop” Yap-Tañedo talagang kilig overload ang sinumang makakakita dahil binigyan ng Asia’s Multimedia Star ng isang napakalaking bouquet of flower with gift si Kathryn. 

“Kinikilig ako #KathDen,” caption ni Boop sa IG post.

Mayroon ding post sa IG si Earl Semitara na nakayakap si Alden kay Kath habang kinukunan sila ng picture na magkasama.

Kaya naman kahit sinong makakita niyon, tiyak ang kilig. 

Samantala, tuloy na tuloy na ang sequel ng Hello, Love, Goodbye na sinasabing posibleng maging entry ng Star Cinema sa 2024 Metro Manila Film Festival, na ididirehe uli ni Cathy Garcia-Sampana.

Naku tiyak na magiging number one na naman ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa. Bet?!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity

HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi …

Streetboys

Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert

RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member …

Ina Raymundo Will Ashley Adolf Alix Jr

Will itinodo acting sa intimate scenes kay Ina

HARD TALKni Pilar Mateo X & Y.  Sa alphabet kahit nasa dulo, powerful na mga letra. Ginagamit …

Lipa Batangas

Lipa City dinaragsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin …

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …