Tuesday , April 30 2024
Arah Alonzo Alden Richards

Vivamax artist Arah Alonzo handang akitin si Alden 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAGANDA, malakas ang dating, maputi, makinis ang tiyak na nakita ni Jojo Veloso kay Arah Alonzokaya unang kita niya rito ay agad niyang inalok mag-artista. At agad isinama sa Viva office at mabilis din pinapirma ng kontrata ni Boss Vic del Rosario.

Sa kuwento ni Arah nang makausap namin ito pagkatapos ng presscon ng Stag kahapon sa Viva Cafe kasama sina Gold Aceron, Denise Esteban, Arah Alonzo, Aerol Carmelo, Allan Paule, Yda Manzano, Jaime Fabrigas mabilis din siyang pinapirma ng Viva boss para sa limang taong kontrata. 

Nagte-teatro na rin naman ako bago pa ako mapasok sa Viva. Then bata pa ako nagwo-workshop na ako. Kasi ‘yung mommy ko nate-teatro rin, commercials, short films kaya parang nasa hilig ko rin ang acting. Pero hindi ko ine-expect noong una na mapupunta ako sa Vivamax dahil mahiyain talaga ako.

“Shy type talaga ako. Parang unti-unti akong lumalabas sa shell ko. Then ayun na pagpunta namin sa Viva office nakita ako ni Boss Vic, ayun pinapirma na agad ako ng kontrata. Tapos nagulat ako hindi lang contract sa Viva, movie contract talaga na may mga nakalinya nang pelikulang gagawin ko. 

“January ako pumirma ng kontrata at January din ako nag-start mag-shoot. Nasabi ko sa sarili ko na ‘sige accept ko na ito baka mamaya ito talaga ang para sa akin. Kasi nag-e-explore na naman ako rati. Tapos eto na nga, minahal ko naman na ang work ko,” panimulang kuwento ni Arah sa amin.

Pang-anim na bale ang pelikulang Stag na idinirehe ni Jon Red at mapapanood na sa Vivamax sa April 5. Kasama siya sa mga pelikulang Sssshhh!, Sex Games, Star Dancer, Kalikot, Araro, at ngayong itong Stag

Sa ‘Kalikot’ po ako talagang nagbida,” ani Arah.

Aminado si Arah na sobra-sobra ang kaba niya nang unang sumalang siya sa Vivamax movie na Sssshhh! na kapwa babae ang naka-lovescene niya, si Quinn Carillo.

Sobrang kabado ako kasi ‘oh my God, baka mali ‘yung expression ko.’ Kasi siyempre babae siya, babaeng-babae rin ako, hindi ko alam kung paano ko ie-express ‘yung sarap. Unang nakabinyag sa akin babae talaga,” natatawang kuwento ni Arah.

Sobrang kinakabahan ako kasi baka mali ang expression ng mukha ko, ‘yung ungol ko, si direk Roman Perez Jr., ang direktor namin. Since bago pa lang hindi ko talaga alam ang emotion ko. Pero nagawa ko naman, natuwa ako. Na-break ko ‘yung isang hiya ko kaya natuwa ako,” kuwento pa ni Arah.

Natanong namin kung ano ang kaibahan ng pakikipaghalikan sa babae at sa lalaki at nasabi nitong wala dahil trabaho lang ang ginagawa niya.

Sa kabilang banda, sa anim na pelikulang nagawa na ni Arah sa Vivamax tumapang at lumakas na rin ang loob niya sa pagpapa-sexy. Pero may limitasyon pa rin siya sa paghuhubad.

Hindi ako nagpapahawak ng boobs. Pero depende pa rin sa situation. Nag-a-ask din kasi ang mga co-artist ko kung hanggang saan ang limitations ko. Pero minsan kasi kapag gusto kong maging makatotohanan ang movie, para mas gumanda talaga, okey na rin may tiwala kasi ako sa mga co-artist ko. And madali gawin ang mga ganoong bagay kapag kampante ka at kaibigan mo na ang mga katrabaho mo,” sabi pa ni Arah.

At sa apat na buwang pagtatrabaho niya sa Vivamax madali namang nakapag-adjust si Arah dahil mababait ang mga artistang nakaka-work niya.

Sa kabilang banda, pangarap pala niyang maging action star. Ito raw ang gusto niyang gawing project soon. Si Alden Richards naman ang gusto niyang makatrabaho.

Si Alden Richards po, feeling ko bagay kami, joke. Ang galing kasi niyang umakting. Feeling ko marami akong matutunan sa kanya,” kinikilig na wika pa ni Arah. 

Balik tanong namin sa kanya, ‘sexy movie ba with Alden?’ Sagot nito, “pwede, depende ha ha ha. Pag-iisipan ko, joke po, sana. ‘Hello Alden,’” sabi pa ng dalaga.

Samantala, isang gabi na dapat ay para sa kasiyahan at pagpa-party ang mauuwi sa isang gabi na puno ng misteryo at mga ‘di pangkaraniwang pangyayari na hindi basta-basta maibabaon sa limot.

Sina Gold, Denise, at Arah ay bibida sa pinaka-latest sexy thriller ng Vivamax kaya maging handa sa isang wild night.

Ang kuwento ay iikot kina Leon (Gold) at Ara (Arah) na matagal nang magkarelasyon pero hindi pa rin nagpapakasal. Wala pa ring balak si Leon na mag-commit o mapropose sa girlfriend at matagal na itong nagiging issue, hindi lang sa kanilang dalawa, kundi pati na rin sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

Ang best friend naman ni Leon na si Carl (Aerol) ay ikakasal na, at sina Leon at ang iba pa nilang mga kaibigan ay nag-organize ng isang stag party para kay Carl. Pero habang papunta sa party ay mawawala si Leon at titirik ang sasakyan sa isang liblib na lugar.

Isang magandang dalaga na nagngangalang Lara (Denise) ang lalapit at tutulong kay Leon. Iimbitahan rin siya nito na magpalipas muna ng oras sa kanilang mansyon habang inaayos ng mekaniko ang sasakyan. Sa mansyon, makikilala ni Leon ang iba pang kapamilya ni Lara, pagsisilbihan siya ng mga ito at ipaghahanda ng masasarap na pagkain at inumin. Pero kahit mabait ang pakikitungo nila kay Leon, mayroong ‘di pangkaraniwan at masamang kutob na dala ang pamilya.

Magpapalipas ng gabi si Leon sa mansyon, at sa kanyang pagtulog ay mapapanaginipan niya si Ara. Sa panaginip na ito ay kasama siya ni Ara at ginagawa nila ang mga sensual at wildest fantasies nila sa isa’t isa. Pero sa kanyang paggising, mabibigla na lang si Leon dahil makikita niya si Lara na kumikilos at handa nang galawin at akitin siya. Ang hindi alam ni Leon, isa lang ito sa marami pang nakagugulat at ‘di mapaliwanag na pangyayari na mararanasan niya sa loob ng mansyon.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …