Saturday , July 27 2024
Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia at Nolo Lopez SRO ang Hanggang Dulo Concert

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang  Pre- Valentine Concert ng Pinay International singer na si Jos Garcia at singer/composer Nolo Lopez, ang Hanggang Dulo, Nolo Lopez X Jos Garcia noong  February 12 sa Papa Dong’s RestoBar & Events Place hatid ng Stardom Music Production. Hosted by DJ Drei.

Hindi mahulugang karayom ang buong venue sa dami ng taong nanood at sumuporta kina Jos at Nolo.

Inawit ni Jos ang kanyang monster hit na  Ikaw ang Iibigin Ko na alam ng halos lahat ng taong naroroon dahil sumasabay sa pag-awit niya.

Bentang-benta rin sa mga tao ang Whitney Houston medley ni Jos. Samantalang pinatunayan naman ni Nolo na talagang champion siya pagdating sa kantahan sa husay umawit.

Eight gold medals ang naiuwi nito nang lumaban sa WCOPA at ito rin ay naging finalist sa The Clash at Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Mahuhusay din ang kanilang naging espesyal na panauhin na sina Jasmine Espina Lopez, Enoch, Teng Meister, Alice’s Wolves, GJ Carlos, Hannah Perater, Loopnoob.

Marami namang na-in love sa duet nina Jos at Nolo ng Hanggang Dulo na si Nolo mismo ang nag-compose.

About John Fontanilla

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …