Friday , March 1 2024
Boss Toyo Grace Angeles Sassa Dagdag

Boss Toyo wish mabili Lastikman costume ni Vic Sotto  

HINAYANG NA HINAYANG si Boss Toyo na hindi niya nabili ang sports car ni Daniel Padilla

Ito ang inamin sa amin ni Boss Toyo nang makausap sa contract signing niya with Eevor Skin Care Depot (SCD, na pag-aari ni Ms Grace Angeles) bilang partner at ambassador kasama si Sassa Dagdag.

Medyo nagkamali ako kasi hindi ko nabili,” may himig pagsisisi ng sikat na Pinoy Pawnstar owner. “Sayang kikita sana ako. Kasi nga medyo malaki ‘yung puhunan. Hindi ko rin naman kayang bilhin lahat,” katwiran nito. 

Ibinebenta sa halagang P6-M ang sports car ni Daniel na tinawaran niya ng P5.5-M hanggang P5.8-M subalit hindi sila nagkasundo sa presyo.

Ani Boss Toyo, hindi naman kasi siya ganoon kayaman para mabili ang lahat ng mga item na ibinebenta sa kanya. 

Nang matanong kung anong pinakagusto o pangarap niyang mabili? Ang isinagot ng  vlogger/collector, costume ni Vic Sotto na ginamit sa pelikulang Lastikman.

Sobrang idol kasi ni Boss Toyo si Bossing Vic kaya gustong-gusto niyang mabili iyon subalit tila malabo nang mangyari dahil wala raw ang nasabing costume.

Kaya pala mahilig bumili ng mga ganitong bagay ang media influencer ay dahil gusto niyang magtayo ng museum para roon ilagay ang lahat ng collector items na nabili niya kasama na ang trophy na ibinenta sa kanya noon ni Jiro Manio.

Samantala, dahil sa kagustuhang magpakamasa o maging affordable talaga sa masa ng kanyang mga produkto, kinuha ng CEO at founder ng SCD na si Ms. Grace Mangulabnan Angeles si Boss Toyo. Naniniwala kasi siyang malaki ang maitutulong ng mass appeal ng vlogger/collector sa kanyang pitong taon ng kompanya lalo’t hindi lang pang-babae ang kanyang mga skin care kundi para rin sa mga kalalakihan.

Sinabi naman ni Boss Toyo na nahihilig siyang mag-bike kaya kailangan niya ng sunblock para ‘di masira ang skin niya at mag-looking young pa rin sa edad 43. 

Iginiit din nitong bilib siya sa mga produkto ni Ms. Grace kaya nakipag-partner siya rito at the same time eh, ambassador.

At ngayon pa lang, marami silang skin products na ilulunsad na tiyak na magiging favorite at makatutulong sa mga kalalakihan. Kung ano iyon, wait na lang daw natin. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheryl Cruz Analyn Barro Jo Berry

Sheryl at Annalyn nag-sorry bago saktan si Jo Berry

I-FLEXni Jun Nardo BAGO pa man saktan ng Kapuso artist na si Annalyn Barro si little persona  Jo …

Luis Manzano Jessy Mendiola Vilma Santos Ralph Recto Edu Manzano

Ate Vi, Ricky Lee binigyang pagkilala ng CCP at St. Paul-QC

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN ang blended family nina Vilma Santos-Recto, asawang Sen. Ralph Recto, at anak na si Christian kasama …

Blind item gay male man

Young actor buking ni direk pagpapahada sa matandang showbiz gay

ni Ed de Leon PINAG-UUSAPAN nila ang isang matandang showbiz gay na para raw halimaw basta may …

Bea Alonzo Dominic Roque

Dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic inilantad 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON unti-unting lumalabas na ang ibang detalye. Kasalukuyan daw palang gumagawa …

Coco Martin Ricky boy

Karga-kargang bata ni Coco na si Ricky Boy may potensiyal sumikat

HATAWANni Ed de Leon MAY nakita kaming picture ng isang poging batang lalaki na karga-karga …