Thursday , February 22 2024
The EDDYS

The EDDYS kikilalanin Box Office Heroes! 

BILANG pagkilala sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award ang ibibigay sa 7th edition ng The EDDYS Entertainment Choice. 

Ito ang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ilang buwan bago maganap ang 7th The EDDYS sa darating na July, 2024. 

Dito ay bibigyang-pugay ng The EDDYS ang mga pangunahing artista na bumida sa highest-grossing films sa bansa na naging daan para muling sumugod sa sinehan ang mga manonood at manumbalik ang sigla ng pelikulang Pilipino.

With our new award, ‘The EDDYS Box Office Heroes,’ we want to honor the stars of films that brought audiences back to theaters,” ayon sa bagong Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis, entertainment editor ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa. 

We at SPEEd believe this recognition will encourage film production entities to create movies that are both commercially viable and impactful.

“By acknowledging the contributions of those who helped revive cinema attendance, SPEEd aims to inspire the industry to continue producing films that captivate and engage viewers,” dagdag pa ni Asis.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper, at online portals sa Pilipinas. 

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEED sa pamamagitan The EDDYS ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Donny Pangilinan Maricel Laxa

Donny may lalim umarte

MA at PAni Rommel Placente ISA talaga si Donny Pangilinan sa mga young actor natin ngayon na …

Liza Soberano Tessa Albea AJ Perez

Liza Soberano ibinahagi pagiging super fan ni AJ Perez

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Liza Soberano ni Tessa Albea sa One Down, ibinunyag na …

Dingdong Dantes Marian Rivera Senate

DongYan , Joaquin binigyang pagkilala sa Senado

I-FLEXni Jun Nardo PINARANGALAN ng Senado sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at buong staff na bumubuo ng …

Ferdie Estrella Abot Kamay Na Pangarap

Problema ng GMA sa Baliwag tinapos na 

I-FLEXni Jun Nardo NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay …

Gabby Concepcion TVJ

Popularidad ni Gabby nasagasaan ng TVJ; Afternoon programming ng GMA humina

HATAWANni Ed de Leon HINDI ba ninyo napansin mukhang hindi masyadong umingay ang huling serye …