Wednesday , January 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo

Kathryn isinikreto pagpapa-aral sa dating child star sa Goin’ Bulilit

MA at PA
ni Rommel Placente

KAYA naman pala blessed ang isang Kathryn Bernardo dahil matulungin ito. Isang dating ka-batch niya sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit ang kapos sa pinansiyal ang pinagtapos niya ng pag-aaral. Naka-graduate ng kolehiyo ang dating child star sa tulong ni Kath.

Nang mag-renew ng kontrata si Kathryn sa Star Magic, isang video message mula sa direktor ng Goin’ Bulilit na si Edgar Mortiz ang nagkuwento tungkol sa kabaitan at pagiging matulungin ni Kathryn.

Sabi ni Direk Edgar, “Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko ‘yung nanay ng isang ‘Bulilit’ tapos ikinuwento niya sa ‘kin na noong namatay ang tatay ng ‘Bulilit’ na ‘to, ang nagpa-aral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman.

Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,”pagbabahagi ng veteran actor at direktor.

Ayon naman kay Kath, tinupad lang niya ang pangarap ng tatay ng kanyang dating kasamahan  sa Goin’ Bulilit na makapagtapos ito ng college.

During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama (Min Bernardo), alam mo ‘yun, sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista ‘yung tao na ‘to.

“And then, naka-receive kami ng message from the mom na ito ‘yung nangyari sa dad at saka hindi na rin siya nag-artista,” kuwento ni Kathryn.

Naniniwala rin ang Kapamilya actress na karapat-dapat tulungan ang dating child star dahil alam niyang matalino at masipag ito. Hindi na lang niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga’t kaya mo. ‘Yun ‘yung promise namin ni Mama sa dad niya na ‘tutulungan ka namin.’

“Kasi ito ‘yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he’s so smart and alam mo rin ‘yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag,” pahayag pa ni Kathryn.

Well, sino kaya ‘yung dating kasamahan ni Kathryn sa Goin Bulilit na tinulungan niyang makapagtapos ng pag-aaral? Nakatutuwa naman siya, may napagtapos pala siya ng pag-aaral pero hindi niya ‘yun ikinukuwento. 

At least siya tumulong ng hindi ipinamalita, ‘di ba? HIndi gaya ng ibang artista, na ipinangangalandakan ang pagtulong para lang mapag-usapan at mapuri na masabihan na matulungin.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Mike Tan Mark Herras

Mike sa pagsasayaw ni Mark sa gay bar: nagtatrabaho siya para sa pamilya niya

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGTANGGOL ni Mike Tan ang kaibigang si Mark Herras. May kinalaman ito sa pagpe-perform …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Sa Likod Ng Tsapa binigyang pagkilala sa 24th Dhaka International Film Festival

PINARANGALAN ng Special Mention Award (Women Filmmakers Section) ang pelikulang Sa Likod Ng Tsapa (Beneath The Badge) sa katatapos …

SM City Iloilo AweSM Dinagyang

AweSM Iloilo 2026 Brings Dinagyang Celebration To The Max at SM City Iloilo

SM City Iloilo takes the lead this Dinagyang season as it brings together the city’s …

Likhang Lipeño Lipa Batangas

Likhang Lipeño: Ganda at Disenyo inirampa, tunay na ipinagmamalaki ng Lipa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ILANG taon nang isinasagawa ang Likhang Lipeño: Ganda at Disenyo (A Runway Show) …

Diane de Mesa Second Chance

New single ni Diane de Mesa titled “Second Chance”  available na sa streaming platforms

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY new single na naman si Diane de Mesa at …