Thursday , June 4 2026
Aga Muhlach

Aga nag-ala Gerald kay Julia

ni Allan Sancon

BIBIHIRA nating mapanood si Aga Muhlach sa big screen. Huli siyang lumabas noong  2019 sa  blockbuster film ng Metro Manila Film Festival, ang Miracle in Cell No. 7 na  pinarangalan din siyang Best Actor.

Ngayon ay muling magbabalik sa big screen si Aga para sa pelikulang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Kokasama Julia Barretto.

Isa itong May-December love story na ang isang estudyante ay nain-love sa kanyang propesor.

Ito ang unang pagkakataong magkakasama sina Julia at Aga sa isang pelikula at puring-puri ng aktor ang aktres sa galing daw nitong umarte. 

Sabi nga ni Aga. “Ganoon pala ang feeling na maging Gerald Anderson,” dahil feeling niya ay isa siyang teenager na ipinareha sa isang Julia Barretto. 

Hindi naging mahirap para sa akin ang umarte sa pelikulang ito dahil dalang-dala ako ni Julia sa kanyang pag-arte, she is giving actor,” papuri ni Aga kay Julia.

Ipalalabas na sa February 7, 2024 ang Ikaw Pa Rin Ang Aking Pipiliin in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …