Kazel Kinouchi Richard Gutierrez Sarah Lahbati

Kazel Kinouchi 3rd party daw kina Richard at Sarah

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINAG-UUSAPAN ngayon si Kazel Kinouchi, dating lumalabas sa mga teleserye ng ABS-CBN at nasa GMA 7 Sparkle na ngayon.

Nag-viral kasi ang fotos nito na kasama si Richard Gutierrez at mga anak nito noong Halloween sa isang lugar sa Makati City.

Ito tuloy ngayon ang bina-bash at pinagdududahang bagong babae umano ni Richard.

Sabi pa ng mga netizen, pina-follow pa naman daw ni Sarah Lahbati si Kazel kaya’t nakakasukang ma-involve ito if ever sa isyu ng mag-asawa.

Sa bilis mag-conclude ng mga netizen sa mga ganyang pangyayari, hindi na talaga dapat nagsasawalang-kibo na lang ang mga gaya ni Kazel dahil nalalagay sa nega at pangit ang imahe nila.

Sana naman ay nagkakamali nga ang mga nagbibintang, ‘di ba mareng Maricris?