Firefly Zig Dulay

Firefly teaser naka-1M agad sa loob ng 12 oras

I-FLEX
ni Jun Nardo

SIMPLE kung tutuusin ang inilabas na teaser  ng GMA Pictures sa filmfest entry nitong Firefly.

Magaling lang talaga ang bidang si Alessandra de Rossi kaya natural na natural ang usapan nila ng lumabas niyang anak.

Pambungad sa teaser si Dingdong Dantes na may special participation na naghahanap sa isang isla.

Matapos ipalabas, humamig ang teaser ng mahigt isang milyong views sa loob ng 12 oras, huh!

Magaling ang director nito na si Zig Dulay kaya malaki ang potensiyal na panoorin ng publiko.