Wednesday , June 24 2026
Poppert Bernadas Regine Velasquez

Poppert napanganga kay Regine

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ALAM kong sa ilang musicals, narinig ko na siya. Pero siyempre, ‘di naman kagyat na napapansin.

Kahit pa minsan pala eh, nakapareha na niya ang ‘di rin matatawaran ang tinig sa awitang si Ciara Sotto.

Kaya, sa papaparinig niya ng ilang piyesa 

sa  Five Dining Restaurant ni Paolo Bustamante eh  alam naming maglu-look forward kami na mapanood siya sa solo concert niya sa Music Museum sa November 11, 2023 na ididirehe ni Floy Quintos.

Saan nanggaling itong si Poppert Bernadas? At kahit sa kursong kinuha sa Kolehiyo eh, wala namang kinalaman ang musika.

Isa pa, para siya maging iskolar at walang gastusin sa UP, naging abala siya na maging atleta sa Badminton na kumakatawan sa ilang paligsahan here and abroad.

Ang pamilya niya,  alam that he can carry a tune. Kaya nga quotang-quota siya sa kurot at pingot kapag tumatanggi siyang sumali.

Meant to be siguro ‘yung mag-audition siya nang magpatawag si Maestro Ryan Cayabyab sa UP.

Napili siya. Kasi, naiiba ang tunog niya. Nagtaka pa kung bakit siya ang pinili. Nakatikim tuloy siya kay Maestro ng sagot na ‘di niya inasahan. 

Iba nga ang tunog niya, eh.

Kakambal ng nanay niya ang nagbigay ng ngalanh Poppert sa kanya. At hiniling ng ina, hanggang sa huling sandali ng buhay nito na huwag niyang papalitan.

Isa siya sa dalawang alaga ng talent management ni Ogie Alcasid sa kanyang A-List. Si Lara Maige‘yung isa. 

Bakit ko aabangan at gugustuhing mapanood ang Who Put The Pop In Poppert?

Aba eh, babanat daw ng mga kanta, take note ni Shirley Bassey. Magti-Tom Jones din. At babali kay George Michael.

Nagustuhan ko na ang version niya ng Somewhere Over The Rainbow.

Kinakalimutan muna ni Poppert ang lovelife sa ngayon. Gusto niyang mag-focus sa career para siya naman ang magpatuloy sa pagpapa-aral sa kanyanh mga pamangkin, na ginawa ng mga kapatid niya sa kanya.

Paano ka namang hindi bibilib sa talento nito?

Nang ire-record niya ang kanta niyang Bitaw at nagkaroon ng aberya sa dapat eh, ka-dueto niya, may anghel na sumalo at siya pa ang nag-offer na siya na lang ang kunin ni Poppert.

Nag-um-attitude ba ang kausap na niya na singer din? Nang tawagan na niya ito para mag-record na sila, aba ang ibinigay na rason eh, hindi pa raw niya napag-aaralan ang kanta.

Abala  ‘di ba?

Kaya nang maikuwento ni Poppert ‘yun over dinner sa bahay nina Ogie, at ng butihing maybahay nito na si Regine (Velasquez), napanganga na lang siya at ‘di malaman ang gagawin nang sabihin ng songbird na siya na lang ang makikipag-dueto sa kanya sa nasabing kanta.

O, saan ka pa? ‘La na! WaLa nang kawala at wala nang magagawa kundi ang umoo.

Okay, watch na natin siya. Kahit pa may mga labas na siya sa mga tele-

serye, masarap na naman ang kakaiba rin niyang maiaambag sa mundo ng musika.

POP! Goes POPpert! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …