Sunday , April 28 2024
The Iron Heart Richard Gutierrez Apollo

The Iron Heart ni Richard patok sa Indonesia 

 IBANG klase talaga ang karisma ni Richard Gutierrez. Matapos tangkilikin at abangan ang action primetime serye niyang The Iron Heart, heto’t patok na patok naman ito sa Indonesian viewers na kasalukuyang napapanood ang Bahasa Indonesian-dubbed version nito na pinamagatang Apollo sa free TV channel na ANTV.

Pinuri ng Indonesian audiences ang kabuuang kalidad nito—mula sa istorya, all-star cast, at sa maaaksiyon nitong eksena na kayang makipagsabayan sa ibang international action drama.

“The show gets more exciting! Thank you, ANTV, for bringing ‘Apollo’ to us. Hoping for more Filipino shows in the future,” komento ng isang Indonesian netizen.

Dahil din sa mainit na pagtanggap sa The Iron Heart, inaraw-araw na ng ANTV ang pag-ere nito mula sa nakasanayang weekday airing schedule. Ilang masusugid na manonood ang natuwa sa naging anunsiyo.

“Thank you for airing ‘Apollo’ daily! Now, my family and I can watch our favorite show every day,” wika ng isa pang netizen.

Maliban sa patuloy nitong pag-arangkada sa Indonesia, naging usap-usapan din sa ‘Pinas ang pagtatapos ng The Iron Heart kamakailan dahil sa pagti-trend nito sa social media at humakot ng 437,535 concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Patunay lamang na tinatangkilik saan mang sulok ng mundo ang mga programa ng ABS-CBN, na nakapagbenta ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America.

About hataw tabloid

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …