Friday , May 23 2025
Sharon Cuneta

Cristy Fermin pinangaralan si Sharon

MA at PA
ni Rommel Placente

PARA kay Cristy Fermin, hindi na dapat pumapatol sa mga basher at troll si Sharon Cuneta.

Ito’y matapos banatan ng Megastar ang isang netizen na nambasag sa kanyang Instagram post patungkol sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

“Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili. Kasi bilang isang pampublikong personalidad ang mga artista, kailangan ang fans,” sabi ni Cristy sa online show nila na Showbiz Now Na!

“Kailangan ang ating mga kababayan. Hindi dapat sila nagsasalita ng hindi namin kayo kailangan,” aniya pa.

Sey naman ng co-host ni Cristy na si Wendel Alvarez“Kailangan talaga mahinahon si Sharon sa mga sagot niya at hayaan na lang niya ‘yung mga basher doon kung ano man ang sasabihin ng mga ito.”

Sey pa ni Cristy, isang public figure si Sharon at sikat na personalidad sa mundo ng showbiz kaya natural lang na makatanggap siya ng mga pang-ookray at panlalait.

About Rommel Placente

Check Also

Nadine Lustre Leila de Lima

Nadine kinampihan ni Leila de Lima 

I-FLEXni Jun Nardo NAKAHANAP ng kakampi ang aktres na si Nadine Lustre kay ML Party List representative na si Leila …

Jen Boles Tres Chic Luxury Original

Tres Chic ni Doc Jen Boles nagbibigay trabaho sa mga artista

NAPAKA-POSITIBO ng outlook sa buhay ng aktres, businesswoman na si Doc. Jhen Boles ang CEO & Presidente ng Tres …

Nadine Lustre

Nadine nagsampa ng reklamo sa mga abusadong social media users

NAGSAMPA ng reklamo si Nadine Lustre kaugnay sa Safe Space Act dahil sa natatanggap niyang malisyosong mensahe …

Moulin Rouge The Musicale

Moulin Rouge: The Musicale pasabog sa Rampa grand reopening

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal …

Kathryn Bernardo Zion Massage Chair Zion Soothing Haven Inc

Kathryn natagpuan na ang kanyang  ‘The One’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAHANAP na ng Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo ang kanyang …