Thursday , June 4 2026
Alice Dixson Maging Sino Ka Man

Alice Dixson sasabak sa action series

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG bongga naman ng Maging Sino Ka Man dahil magiging guest nila ang nag-iisang  Alice Dixson.

Siyempre naman, may mga eksena si Alice sa nabanggit na special limited series na bida sina Barbie Forteza at David Licauco.

Sikreto pa kung ano ang role ni Alice, pero sa isang eksena ay makikitang may hawak na baril si “I Can Feel It” girl.

Mukhang mapapasabak sa mga action scene si Alice sa cameo appearance niya na for sure ay keri niya bilang athletic naman ang magandang aktres.

Noong araw nga, naging wish namin na gumanap si Alice bilang Darna sa pelikula pero hindi iyon nangyari, bagkus ay naging Dyesebel siya na isang certified blockbuster movie ng Regal Films.

At dahil sa pelikulang iyon ay naging crush ng bayan si Alice na pagkaganda-ganda at napakaseksi.

Samantala, patuloy na napapanood ang action series weeknights, 8:00 p.m. sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Napapanood din ito sa GTV 9:40 p.m.. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …