Thursday , June 4 2026
Sylvia Sanchez Ria Atayde Lorna Tolentino Monster

2 bidang lalaki sa Monster kaaliw, twist sa istorya hanggang dulo

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAKATUTUWANG pagmasdan ang nagsanib-puwersang sina Lorna Tolentino, Sylvia Sanchez, at Gela Ataydena namuhunan ng mga pelikula na binili nila noong dumalo sila sa Cannes Film Festival para mapanood ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas. 

Isang pelikulang produkto ng Japan na hinangaan at pinalakpakan sa Cannes. Ang tinutukoy ko ay ang pelikulang Monster na pinagbibidahan ng dalawang batang magkaibigan na dumanas ng pambu-bully sa mga kaklase at habang pinapanood mo ay maaaliw ka sa naging relasyon ng dalawa. Hanggang sa huli ay may twist na ikaaaliw ng mga manonood. Dahil sa titulo ay iisipin mo na horror ang tema pero malayong-malayo. 

Journey ng dalawang lalaking magkaibigan na nakaranas ng iba’t ibang pagyayari sa takbo ng buhay nila.

Malaking tulong ang collaboration nina LT, Ibyang, at Gela. Binubuhay nila ang awareness ng mga kababayan natin na magbalik sa panonood ng sine bilang isa sa libangan ng mga kabataan at mailayo sa mga paggamit ng droga na isa sa malaking problema sa Pilipinas.

Ang Monster ay mapapanood sa mga sinehan sa October 11.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …