Thursday , June 4 2026
Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Max Collins

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 ikinakasa na

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG ibinalita ni Sen Bong Revilla na sa pagtatapos ng kanyang hit Kapuso series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay mataas ang ratings at loaded with commercials. Kaya naman nagpapasalamat ito sa mga taong walang sawang nanonood at sa mga advertiser na 100% ang support.

Ayon kay Sen Bong inaayos na ang Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na baka next year na maipalalabas.

At isa pa ngang sorpresa ni Senator Bong sa kanyang mga tagahanga ang bonggang selebrasyon ng kanyang ika-57 kaarawan sa Setyembre 25 na gaganapin sa Okada Manila kasabay ang pagdiriwang ng kanyang golden anniversary sa showbiz.

Magkakasama rito ang mga Kapuso at Kapamilya na nakatrabaho niya sa loob ng limang dekada na pamamahalaan ng ABS-CBN ang production at ipalalabas naman ito sa GMA-7.

At kahapon sa Facebook live si Sen Bong, may pa-gender reveal ng baby nila sina Jolo Revilla at Angelica Alita. Ginawa rin ang Pasasalamat ni Tolome! Giveaway na namigay si Sen Bong ng laptops, cash prizes, at iba pang surprises.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Matty Juniosa

Matty bigong tanghaling overall winner ng BGT

MATABILni John Fontanilla MARAMING Pinoy ang nalungkot nang hindi si Matty Juniosa ang itinanghal na overall winner …

Sugar Mercado Horizon Jeromy

Sugar at Jeromy wagi sa Stars On The Floor Season 2

MATABILni John Fontanilla WAGI sa Season 2 ng Stars On The Floor sina Sugar Mercado at Horizon Jeromy. Nag-uwi ng …

Heart Evangelista The People Have Spoken

Heart sa bagong game show- nagkaroon ako ng outlet to be more expressive

RATED Rni Rommel Gonzales HAPPY si Heart Evangelista na maging host, sa pinakaunang pagkakataon, ng pinakabagong original …