Saturday , May 4 2024
Janice de Belen Dirty Linen

Janice sa powerhouse cast ng serye — Parang tumatagos sa pader ang galing

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MADALAS na trending ang Dirty Linen simula nang maipalabas ito sa Kapamilya na hindi naman nakapagtataka dahil bukod sa powerhouse cast ang bumubuo nito, maganda rin ang istorya. Kaya naman sa nalalapit na pagtatapos, inaabangan na ng mga manonood ang huling dalawang linggo nito na masasaksihan ang walang katapusang ganitihan na mauuwi sa patayan ng dalawang pamilya nina Alexa (Janine Gutierrez) at Aidan (Zanjoe Marudo).

Kaya tutukan ang laban ng mga nais makamit ang hustisya at ng mga sakim sa kapangyarihan sa huling dalawang linggo ng Dirty Linen sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Sa finale presscon ng Dirty Linen aminado ang mga bida na maging sila’y hanga sa magandang pagkakalatag ng istorya. Matagal na kasi nilang natapos kuhanan ang mga eksena kaya naman after two months off ay ngayon lang muli silang nagkasama-sama para sa finale presscon.

“Sobrang surreal, parang throw back doon sa storycon. Parang ang bilis ng pangyayari na ngayon finale na ang inihahandog natin and hanggang ngayon surreal pa rin na naging parte ako ng ganitong klaseng level ng cast. Kasi hanggang ngayon todo ang pasasalamat ko sa Dreamscape na talagang napasali ako sa ‘Dirty Linen,’”medyo garalgal na wika ni Janine sa isinagawang finale presscon sa Studio 10 ng ABS-CBN.

At dahil sa laki nga ng cast na lahat ay pawang magagaling, nasabi naman ni Janice de Belen na tila hindi na mauulit ang ganitong kalaking cast. “Mahirap nang ulitin ito. This is as I said, everybody keep saying the word powerhouse cast basta maraming cast. Pero ito nararamdaman mo talaga na talagang powerhouse siya, nararamdaman mo sa pader tumatagos (ang galing).”

“Well, gusto kong maulit and sana sundan pa ng marami na,” sabi naman ni John Arcilla na umaasang magkaroon ng part 2 ang kanilang teleserye. “Bukod sa, wala sana akong ma-offend kasi may nagsasabi na parang binago raw niya ang standard ng mga teleserye, so, parang feeling ko mas maganda sana kung naging game changer siya masundan pa o malampasan pa.”

At dahil matagal na ngang tapos kunan ang mga tagpo ng serye, natanong si Zanjoe kung nasusundan nito o napapanood niya. “Oo naman nasusundan ko lagi. Siguro pinapanood ko siya bilang part ng show and bilang isang audience rin na nahu-hook sa story ng ‘Dirty Linen.’ 

“Actually, ang inaabangan ko sa ‘Dirty Linen’ ay iyong ‘Abangan.’ Kasi kahit sobrang bilis ng mukha ni Kuya John sa screen parang ow! tapos sunod na naman ang ibang illusion ng mukha niya, ang galing, ang galing lang. Kahit alam na natin ang nangyari, kahit alam na namin ang ginawa roon sa istorya siyempre excited pa rin ako kung paano in-edit kasi noong ginawa naman namin ito walang music. So kudos doon sa musical talagang kakaiba. Lalong gumaling ang mga artista dahil sa music na nagdagdagan lalo sa ganda sa performance,” sambit pa ni Zanjoe.

Sa dalawang linggong natitira, malalagay sa alanganin ang buhay ng mga karakter dahil itotodo na ni Carlos (John) ang kanyang kahibangan bilang nag-iisang “hari” ng pamilya Fiero matapos niyang malaman na sa kanya lang ipinamana ang milyon-milyong pera at ari-arian ng buong pamilya. 

Babawian naman ni Alexa at ng kanyang mga kasabwat na sina Rolando (Joel Torre), Max (Christian Bables), at Lala (Jennica Garcia) ang pamilya Fiero dahil mapipilitan silang gumawa na rin ng karahasan para mapaamin ang mga ito sa patong-patong nilang krimen, kabilang na ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong pumatay kay Olivia (Dolly De Leon), ang kabit ni Carlos at nanay ng half-sisters na sina Alexa at Chiara (Francine Diaz).

Ipinasilip din sa makapigil-hiningang finale teaser ng Dirty Linen ang tila pagkamatay ng ilang mga karakter. Magugulantang din si Aidan sa sunod-sunod na matitinding rebelasyon at ang paglitaw ng mga baho ng sarili niyang pamilya.

Makakamit na ba ni Alexa ang hustisya laban sa mga Fiero? Sino-sino ang mananatiling buhay pagkatapos ng lahat ng ito?

Kaya huwag palampasin ang pasabog na finale ng Dirty Linen sa Agosto 25 (Biyernes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …

Willie Revillame

Willie mapapanood pa rin sa AllTV

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALIK-ALLTV din pala si papi Willie Revillame dahil mukhang ipalalabas din ang bago niyang …

Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong …