Wednesday , June 24 2026
 Yassi Pressman Jon Semira Sandro Marcos

Yassi at Jon engaged na raw; rason ng hiwalayan ‘di malinaw

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Yassi Pressman na walang namamagitan sa kanila ng Presidential son na si Sandro MarcosKasunod nito ang pagde-deny na may relasyon siya sa kongresista.

Natatawang pangangatwiran ni Yassi, nabigyan ng malisya ang viral video nila ni Sandro habang magkasama sa isang event na sweet.

Nalagyan lang po ng malisya dahil na-slow-mo, nalagyan ng music,” ang sabi ni Yassi sa report ng 24 Oras at sinabing tawang-tawa sila sa pag-uugnay sa kanilang dalawa.

Inamin naman ni Yassi na break na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.

Matagal na po talaga kami naghiwalay,”

anang dalaga. “Sana people just respect our privacy and siya rin po he’s a private person,” dagdag pa nito.

Samantala, may lumabas na balita, mula sa  Inquirer.net, na engaged na raw sina Yassi at Jon last March bago nagkahiwalay.

Sinaksihan daw ang engagement ng dalawa ng kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan. Kung ano ang nangyari at biglang naghiwalay ang dalawa, tanging sina Yassi at Jon ang nakakaalam.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …