Thursday , June 4 2026
Grace Poe’s FPJ Panday Bayanihan

Sen. Grace Poe’s FPJ Panday Bayanihan umayuda sa mga biktima ng Rizal boat tragedy

NAGPAABOT ng tulong pinansiyal ang FPJ Panday Bayanihan Foundation nitong Sabado, 12 Agosto, sa pamilya ng 27 kataong nasawi sa paglubog ng M/B Aya Express noong nakaraang buwan.

Ang non-profit organization na pinamumunuan ni Brian Poe-Llamanzares ay nagbigay ng P5,000 cash aid para sa mga naulilang pamilya ng mga pasaherong namatay sa paglubog ng bangka sa Laguna Lake, sa bahagi ng Binangonan, Rizal noong 27 Hulyo.

Personal na nagtungo si Poe -Llamanzares sa kamag-anak ng dalawa sa mga nasawi sa kanilang tahanan sa Barangay Pila-Pila sa Binangonan.

“Labis kaming nakikidalamhati. We know, and we humbly admit it, that this is not enough. Hindi nito matutumbasan ang mga buhay na nawala,” sabi ng anak at chief-of-staff ni Sen. Grace Poe. Katuwang ng  FPJ Panday Bayanihan Foundation ang tanggapan ni Senador Grace Poe sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng trahedya.

Noong 8 Agosto, pinangunahan ni Poe, chair ng Senate committee on public services, ang pagdinig sa paglubog ng M/B Aya Express para usisain ang isyu ng kaligtasan sa operation at maintenance ng bangka. Nalaman din ng mga senador na walang lisensiya para mag-operate ng bangka ang kapitan ng M/B Aya Express.

Dumalo sa pagdinig ang ilan sa mga nakaligtas at mga kamag-anak ng mga nasawi sa trahedya.

“In a country composed of thousands of islands, the Philippines should have the highest safety standards in water transportation,” pahayag ni Poe sa pagdinig.

Ang FPJ Panday Bayanihan Foundation, na ipinangalan sa yumaong aktor Fernando Poe, Jr., at kanyang movie series na “Ang Panday” ay isang non-government organization na naglalayong paigtingin ang spirit of civic unity at  community service sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong sa mahihirap at sa mga nawalan ng tirahan dahil sa sakuna.

Itinatag ang foundation noong 2013 matapos manalasa ang bagyong “Maring” sa Filipinas at nakaapekto sa 2.5 milyong katao. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …