Thursday , July 10 2025
prison rape

Bebot ginapang habang natutulog
KELOT NASAKOTE BAGO MAKATAKAS

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang dalaga ng pangmomolestiya at panggagahasa habang siya ay natutulog sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 12 Agosto.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na isang alyas Arnold, matagumpay na nadakip ng mga tauhan ng Plaridel MPS bago pa makalayo para magtago.

Batay sa reklamo ng biktimang hindi na pinangalanan, habang siya ay mahimbing na natutulog ay nakapasok sa kanyang kuwarto ang suspek.

Nagising na lamang siya nang maramdamang may nakapatong sa kanya at pilit inaangkin ang kanyang pagkababae pero nagtangka siyang manlaban upang ipagtanggol ang puri ngunit hindi niya nakaya ang lakas ng suspek.

Bago tumakas ang suspek ay nagbanta pang huwag isusumbong ang ginawa niyang kahalayan para walang masamang mangyari sa biktima.

Ngunit hindi natakot ang biktima at kasama ang mga kaanak ay nagsumbong sa tanggapan ng Plaridel MPS at sa maagap na pagresponde ng pulisya ay agad naaresto si alyas Arnold. Kasalukuyang nakapiit sa Plaridel MPS custodial facility ang suspek na nakatakdang sampahan ng kasong panggagahasa sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Blind Item, man woman silhouette

Showbiz couple magkahiwalay ng kwarto 

I-FLEXni Jun Nardo HIWALAY na raw ang isang kilalang showbiz couple na may anak. Magkaiba sila ng …

Online Betting Gaming Gambling

Babala ng mga eksperto:
Pagbabawal ng online gaming kaduda-duda, black market lalakas pa

NAGBABALA ang isang kilalang ekspertong legal na maaaring lalong lumala ang epekto ng iresponsableng pagsusugal …

Senate Senado

SP Chiz may 16 pirma — JV

TIYAK na tiyak nang muling mauupo si Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang pinuno ng …

QCPD Quezon City

P2-M shabu nasamsam ng QCPD Batasan PS 6

UMABOT sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Quezon City Police District (QCPD) …

Nicolas Torre III

Drug war ni Torre, 3 tulak arestado sa P4-M droga

SA PATULOY na pagpapatupad ng gera ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre …