Wednesday , November 13 2024
Sipat Mat Vicencio

MRO ni Sen. Lapid palpak?

SIPAT
ni Mat Vicencio

NGAYONG napakainit na pinag-uusapan ang ginagawang pambabarako o bullying ng China sa Filipinas, marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit tahimik o wala sa eksena si Senator Lito Lapid.

Nasaan na ang tikas ni ‘Pinuno’? Wala na bang angil si ‘Leon Guerrero’?

Ngayon ang panahon para patunayan ng senador na hindi dapat matakot at kaisa siya ng bawat Filipino na lumalaban sa patuloy na pambabraso ng China sa West Philippine Sea.

Kung halos lahat ng senador ay pumapalag sa pambu-bully ng China, bakit parang walang imik si Lapid at hindi man lamang magpahayag ng pagkondena tulad ng ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa Senado.

Paulit-ulit na lang ang pananakot ng China sa Filipinas, at ang pinakahuli ay ang water cannon attack ng China Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard nitong nakaraang Sabado, 5 Agosto.

Kasama ng PCG ang ilang bangkang magsasagawa ng supply mission sa BRP Sierra Madre malapit sa Ayungin Shoal nang maganap ang pangha-harass ng China. Ang pangyayari ay pormal na kinondena ng pamahalaan, at binigyan diin na ang insidente ay naganap sa tinatawag na Exclusive Economic Zone o  EEZ ng Filipinas.

Pero baka naman ang media group ni Lapid ang palpak kaya hindi lumalabas ang istorya ng senador kaugnay sa isyu ng China bullying. Hindi kaya ang mismong head ng media ni Lapid ang walang alam kung paano patatakbuhin ang kanyang grupo kaya ang senador tuloy ang  napapahamak?

Sabi nga ng isang source sa Senate… “naku, hindi marunong magsulat ‘yan ng PR ni senator, parang script sa radio at hindi talaga gagamitin ng mga reporters. Walang anggulo!”

At kung tunay ngang ‘mahinang nilalang’ ang head ng media group ni Lapid, asahang kailanman ay hindi malalaman ng taongbayan ang posisyon at paninindigan ng senador sa mahahalagang kaganapan sa Filipinas lalo ang kontrobersiya sa West Philippine Sea.

Sino ba kasi ang Media Relations Officer o MRO ni Lapid? Kamote!

At hindi lang sa usapin ng West Philippine Sea madalas ‘tahimik’ si Lapid, dahil kung meron mang malalaking istoryang pumuputok, sinasabing matumal ang press release ng senador at hindi rin naman lagi pinapatulan ng mga reporter na nagko-cover sa Senate.

Ang masakit pa nito, malamang na mabigo si Lapid sa kanyang reelection bid sa 2025 midterm elections dahil na rin sa sinasabing hindi maayos na media work ng kanyang tanggapan lalo na ang paulit-ulit na pangyayari sa West Philippine Sea.

At mapapansing kahit sina Senator Bong Go, Senator Bato dela Rosa, at Senator Francis Tolentino, kilalang dikit kay Pangulong Digong na best friend ni Chinese President Xi Jinping, ay pumosisyon na rin laban sa pambu-bully ng China dahil alam ng tatlong senador na mapupurnada ang kanilang plano sa halalan kung hindi sila kikilos.

Kaya nga, dapat talagang umaksiyon na si ‘Pinuno’ at sibakin ang mga walang silbi sa kanyang tanggapan!

                                                   ***

Inaanyayahan ang lahat na panoorin ang aming bagong vlog kasama ang beteranong mamamahayag na si Jimmy Alcantara. Tatalakayin ng programang Ah, Basta! ang maiinit at napapanahong isyung politikal, showbiz, at tsismis ng mga Marites sa bawat eskinita, looban, kanto at plaza. Abangan!!!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …