Friday , May 17 2024
Heart Evangelist fishball Chiz Escudero

Heart na-bash dahil sa fish ball

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPLASTIKAN ang mga netizen sa pagpi-flex sa social media habang hawak-hawak ang dalawang baso ng fish ball ni Heart Evangelista.

Ipinost kamakailan ng aktres sa kanyang Instagram, @iamhearte ang larawan habang hawak-hawak ang dalawang plastic na baso na naglalaman ng fish ball at may caption na, “Tusok tusok the fishballs.”

Kuha ang nasabing litrato kasama ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero na bumili ng fishball sa Rempeolas, Sorsogon.

Kaya naman ang larawang ipinost nito ay umani ng iba’t ibang reaksiyon sa netizens at ilan dito ang sumusunod.

Kinain niya ba talaga? Parang pang picture purposes po eh.”

Dinepensahan naman si Heart ng fans na sinabing matagal nang kumakain ng fishball ang aktres.

Hindi porke mayaman si Heart hindi na siya kakain ng tigpipiso.”

“Kinain ba????”

Tanda ko ASAP days pa kumakain sila nyan sa labas.”

Nagpic lang nmn.”

“Hahahahah walang pic na kinain ang fishballs. So it didn’t happen.”

Take all the pics you want sa fishball I want one pic na kinain nga ba.”

About John Fontanilla

Check Also

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira, inaming may naramdaman sa isa’t isa sa shooting ng Chances Are You and I

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INAMIN ni Kelvin Miranda na na-confuse siya sa naramdaman noon …