Rob Gomez Dingdong Dantes Dennis Trillo Benjamin Alves Herlene Budol

Rob Gomez susunod sa yapak ni Dingdong at ni Dennis

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG bagong Kapuso leadingman na si Rob Gomez ang puwedeng sumunod sa yapak ni GMA Primetime King Dingdong Dantes at GMA Primetime Prince Dennis Trillo.

Bukod kasi sa maganda nitong mukha at height ay taglay ang husay umarte katulad nina Dingdong at Dennis.

Kaya naman ‘di nakapagtataka na nabigyan kaagad ito ng bida at leadingman role ng Kapuso with Benjamin Alves at Herlene Budol sa hit afternoon serye na Magandang Dilag.

At isa si Rob sa inaabangan ng mga manonood sa Magandang Dilag bukod kay Herlene at sa magandang flow ng story nito.