Saturday , June 22 2024
COPA Swimming
NASA larawan sina Tournament Director Richard Luna, COPA President Eric Buhain at Executive Director Chito Rivera na gumabay sa 45th SEA Age Group Luzon Qualifying sa (RMSC ) Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

4 lusot sa QTS ng SEA Age National tryouts

APAT na batang swimmers ang nakalusot sa itinakdang qualifying time standard at nabigyan ng ‘provisionary’ status para sa binubuong Philippine Team na isasabak sa 35th Southeast Asian Age Group Swimming Championship na nakatakda sa 24-26 Agosto 2023 sa Jakarta, Indonesia.

Impresibo ang naitalang langoy nina Catherine Cruz ng Mabalacat Race Pace Swim Team, Arabella Nadeen Taguinota ng Pasig City Swimming, gayondin ang magkaribal na sina Peter Cyrus Dean ng Killerwhale Elite Swim Team Quezon at Ivo Nikolai Enot ng Ayala Harpoons Swim Club sa unang araw ng National tryouts Luzon qualifying na inorganisa ng Philippine Swimming Inc. (PSI), na pinamumunuan ng bagong pangulo na si Miko Vargas at secretary-general Batangas Rep. Eric Buhain nitong Biyernes sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Nalagpasan ng 15-anyos na si Cruz ang 2:13.23 QTS sa girls 14-15 200m freestyle sa naitalang 2:13.15 para tampukan ang naturang events laban kina Daryn Santamaria ng Ilocos Sur (2:17.72) at Jada Corine Cruz ng Ilustre East Aquatic.

Nadomina ni Taquinota ang girls 14-15 100m breaststroke sa tiyempong 1:15.57 para lagpasan ang QTS na 1:17.89 laban kina Patricia Santor ng Ilustre (1:18.55) at Daniella Gregorio ng Lipa City (1:19.43) sa torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at Speedo.

Kapwa nakalusot sa QTS (28.10) sina Dean at Enot sa boys 16-18 50m backstroke matapos maitala ng pambato ng Lucena City at incoming Grade 11 student sa Manuel Emverga University ang 27.97, habang kumasa ang huli sa tiyempong 28.07.

Kinapos nang bahagya ang bronze medalist na si Estifano Ramos ng Golden Sea sa oras na 28.25.

“Napakasaya na makita ‘yung enthusiasm ng mga batang swimmers na makilahok sa national tryouts. Hindi kasi nila na-experience ito before, but as what we promised gagawin naming inclusive ang lahat ng programa ng PSI for the sake of our athletes and the growth of sports in aquatics. Ito ang bayad namin sa tiwalang ibinigay ng swimming community sa amin,” pahayag ng swimming legend na si Buhain.

“‘Yung hinahanap na national tryouts ng marami, ipagkakaloob po natin para mabigyan ang lahat ng pagkakataon na maipakita ang kanilang husay at mapabilang sa National Team. Lilibutin natin ang buong Filipinas para mapili ang best of the best,” aniya.

Iginiit ni event organizers coach Chito Rivera na ‘provisionary status’ pa lang ang katayuan ng apat na swimmers dahil may tatlong national tryouts pa ang nakatakdang isagawa – ang North Luzon qualifying at Visayas qualifying na magkasabay na isasagawa sa 21-23 Hulyo 2023 sa Vigan, Ilocos Sur at Dumaguete City, ayon sa pagkakasunod.

“Iko-consolidate pa natin ang lahat ng resulta sa tryouts before we announced officially ‘yung mga qualified. ‘Yung top three na qualified sa bawat event ‘yun ang ipadadala natin sa SEA Age Group,” pahayag ni Rivera.

Sa iba pang resulta, nanguna sina Sophia Garra ng Waverunners sa girls 11-13 50m back (33.04); Maxene Uy ng NOGCC sa girls 14-15 (32.50); Ishaelle Villa ng CM Riptide sa girls 16-18 (31.08); Rio Coliyat ng Aqua Sonic sa boys 11-13 100m breaststroke (1:13.47); Seb Rafael Santo sa boys 14-15 (1:11.34); at Jalil Taguinod sa boys 16-18 (1:06.44). (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at …

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa …

Team Seirin JCI Senate Lipa Open Rapid chess

Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay

Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa …

Eric Buhain Anthony Reyes PAI

Hikayat ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI):
HOMEGROWN SWIMMERS, PINOYS ABROAD MAGPATALA, LUMAHOK SA NATIONAL TRIALS

HINIKAYAT ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang lahat ng mga homegrown swimmers at Filipino na …

philracom

2024 Philracom 2nd leg Triple Crown Stakes sa Father’s Day 

MANILA — Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 2nd Leg Triple Crown Stakes …