PAHAYAG 2023-Q2 PuBLiCUS Asia

Patok na local brands tinukoy sa Pahayag 2023-Q2 survey

BATAY sa pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc., at isinagawa sa pagitan nitong nakaraang 7-12 Hunyo 2023, inalam ang sentimiyento at nagugustohan ng mga Filipino consumer sa hanay ng ibaโ€™t ibang lokal na produkto.

Lumabas sa 31 Filipino restaurants at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal (31%) at Chowking (20%).

Parehong nakakuha ng tig-13% ang Chooks-to-Go at Red Ribbon, na sinusundan ng Goldilocks at Greenwich, at parehong mayroong 10% endearment ratings.

Tinukoy din sa PAHAYAG 2023-Q2 Survey ang Purefoods bilang โ€œmost endeared food brandโ€ na mayroong 40% rating, pangalawa ang Datu-Puti (25%), nasa pangatlo ang Century Tuna at Selecta, sa parehong 23% endearment scores.

Kasunod nito ang Magnolia (17%), San Miguel Beer (15%), CDO Meat Products (14%), San Marino (7%) at Tanduay (4%).

Pagdating sa local health and personal care category, top 1 ang Mercury Drug (67%), sumunod ang Watson (51%) at UNILAB (27%), habang ang Bench Body, ay mayroong 8% endearment score.

Sa telecommunications services category, naungusan ng Globe, sa nakuha nitong 65% rating, ang PLDT/Smart, na mayroong 61% endearment score, habang ang DITO, na siyang new player sa local telecoms sector ay mayroong 16% rating.

Samantala, ang PAHAYAG 2023-Q2 Survey ay isang nationwide purposive survey na mayroong 1,500 respondents, randomly drawn mula sa market research panel o ng mahigit sa 200,000 Filipinos na mini-maintain ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace. (NIร‘O ACLAN)