Friday , May 3 2024
Alfred Vargas Solid Friends AraBella Nora Aunor

Alfred ‘nadala’ kay Ate Guy, gusto muling makasama 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG-MASAYA pa rin si Konsehal Alfred Vargas mula sa naging instant reunion/cast party ng mga kasamahan niya sa seryeng AraBella ng GMA 7 noong Miyerkoles na isinabay na rin ang birthday celebration ng kapareha niya ritong si Camille Prats.

Ani Alfred, “Sobrang saya ng ‘AraBella’ reunion namin. It was good to see everyone again after some time. Rito mo makikita na hindi lang kami professionally nagsama para sa isang project, naging parang family talaga kami. 

“Na-develop ang ganitong klaseng samahan namin na ito from day 1 sa set. Magaan kasi ang set at nagkakasundo kaming lahat from artists to production staff. Puro tawanan kapag break pero seryoso kapag eksena na. 

“Siguro nakatulong din ‘yung success ng show at naging toprating siya. Proud din kami sa producting ginawa namin. 

“Tingin ko ‘yung part 2 medyo suntok sa buwan na ‘yan. Pero siyempre who knows ‘di ba? Depende na sa network ‘yan at kay Lord. 

“Marami ring nagme-message sa akin ng part 2. Pati sa mga ibang actors ganoon din ang clamor. We’ll see. Huwag tayong magsara ng pinto. Anything is possible,” mahabang sabi ng District 5 Councilor. 

Ipinagdiwang din ni Konsi Alfred ang ika-18 taon ng kanyang Solid Friends na nabuo noong July 4, 2005.

“Ito ‘yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong JULY 4, 2005, panahon ng ‘Encantadia.’ They have supported ever since kahit noong baguhan pa lang ako. They believed in me anuman ang panahon. From 20 members noong simula, ngayon 40k members na. 

“Later on, nag-evolve na rin into a community volunteer organization na siya na tumutulong sa mga nangangailangan. May mga yearly projects kami like zumbayan, linis-barangay, youth concert, leadership trainings, medical missions, at marami pang iba. 

“Suwerte ako dahil mayroon talaga akong supporters na nandyan para sa akin through my ups and downs in life. 

“‘Yung kapatid ko, si Cong PM, member din siya na SOLID FRIENDS. Actually, siya ang pinakaunang solid friend ko since ipinanganak siya,” at natawa ang konsehal. “Idol niya kasi si kuya niya ever since. Siya ngayon ang official president ng solid friends. 

“Mayroon kaming special anniversary celebration sa SM Novaliches this July 16 to celebrate our anniversary,” sabi pa ni Alfred. 

Samantala, puring-puri pa rin ni Alfred si Nora Aunor na kasama niya sa pelikulang Pieta with Jaclyn Jose and Gina Alajar.  

Sinabi ni Alfred na wala siyang naging problema lalo na kay Ate Guy. In fact gusto nga uli niyang makatrabaho at makasama si Ate Guy sa isa pang proyekto.  “Maganda at very pleasant ang experience ko bilang producer and actor kay Ate Guy. Superstar talaga siya. ‘Yung husay niya at talento, highest level talaga. And she’s very professional. Walang naging any aberya during the whole shoot. I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganoon ka-okay. 

“Mayroon kaming eksena na kaming dalawa lang. Magkaharap. Tahimik lang pero napaka-meaningful at naramdaman ko ang lalim at soulful emotion. Dahil ito sa acting ni Ate Guy. Nadala ako. Parang naging loving mother ko talaga siya noong moment na ‘yun sa eksena at ako naman parang long lost son niya talaga. It was a magical experience for me as an artist. Suwerte ko naranasan ko ‘yun.” 

At sa darating na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club, nominado bilang Darling of the Press ang aktor.  Hindi kasi nagbabago ang pakikitungo ni Alfred sa entertainment press sa kabila na uso na rin ang mga blogger? Sabi nga sa kanya,  champion pa rin siya makisama sa press.

“Actually nagulat ako. ‘Di ko expected. I’m grateful na ma-recognize this way by being nominated. 

“Para sa akin, family na rin talaga ang mga press friends ko whom I met along the way in my 20++ years in showbiz. Through thick and thin talaga nakasama ko kayo. From beginning until now. Grabe senti na ako,” nangingiting sambit nito. 

“I would never be where I am today if it were not for the friends who helped me along the way. Kayo ‘yun. Personal ang relationship ko with most of the press. Masarap kasi sila kasama at sasabihin nila sa iyo ang totoo and they will look after you. Marami sa mga adviser ko sa buhay ay mula sa mga writer and journalists.

“For those who know me talaga, alam nila na kung sino ako noong nag-uumpisa ako, I’m still the same Alfred na kilala nila ngayon. Medyo mas nag-mature lang ngayon at hindi ko na kayang mag-coffee table book ulit!!! Hahahahahaha

“I’m not at all perfect pero I always adhere to the lessons and principles my parents taught me,” giit pa ng aktor/politician. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …

Willie Revillame

Willie mapapanood pa rin sa AllTV

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALIK-ALLTV din pala si papi Willie Revillame dahil mukhang ipalalabas din ang bago niyang …

Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong …