Thursday , June 4 2026
GMA Kapuso Foundation

GMA Kapuso Foundation may regalo sa mga Ina ng Tahanan 

MALAKING blessing talaga ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga Filipino dahil patuloy pa rin sila sa pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan saan mang panig ng bansa. Nitong Mayo, tatlong malalaking proyekto ang inorganisa ng GMAKF. 

Para sa Mother’s Day, naghandog ang GMAKF ng free breast examination at pap smear tests, at cervical at breast cancer awareness lectures sa ilang nangay sa San Luis, Batangas; Natonin, Mountain Province; at Victoria, Tarlac. 

Nag-offer din sila ng ECG, blood sugar tests, at hypertension awareness lectures sa Gabaldon, Nueva Ecija at Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan bilang paggunita sa Hypertension Awareness Month.

May ipinagagawa rin itong Kapuso School Building sa Binibitinan Elementary School sa Polillo, Quezon na nasira dahil sa Super Typhoon Karding noong nakaraang taon. 

Bilang isa sa mga trusted media-based foundations na accredited ng DSWD, PCNC, at BIR, ang mga donasyon sa GMAKF ay 100 percent tax deductible. 

For sure, marami pa silang mahahatiran ng biyaya sa tulong na rin ng mga donasyon ng mga mapagbigay na Kapuso. Para mag-donate, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …