Sunday , April 28 2024
Eat Bulaga Tito Vic Joey

Eat Bulaga, Tito, Vic, at Joey lilipat na nga ba ng ibang network?

TOTOO kayang  tuloy na ang paglipat ng Eat Bulaga gayundin nina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon sa ibang network?

Sa pasabog na balita ni Cristy Fermin sa kanilang Showbiz Now Na nina Romel Chika at Wendell Alvarez nasabi nitong tila matutuloy na ang paglipat ng noontime show gayundin ng TVJ sa ibang network.

Sa kanilang YouTube vlog na Showbiz Now Na napag-usapan nina Tita Cristy, Wendell, at Romel ang ukol sa mga kontrobersiyang bumabalot sa noontime show ng TVJ.

Pagbubunyag ni Tita Cristy, handang-handa na raw ang isang producer sa pagsalo sa  Eat Bulaga sakaling magdesisyon na sina Tito, Vic, at Joey na lumipat ng TV network.

Balitang nagkaroon na umano ng “secret meeting” si Tito Sen at ang nasabing producer tungkol sa magaganap na lipatan. Napag-usapan na rin daw kung sino-sino sa mga Dabarkads ang sasama sa TVJ.

“Mayroon pong nakarating sa amin at ito po ay talagang reliable source na nagkakaroon po ng mga secret meeting,” panimulang pagbabahagi ni Tita Cristy.

“Parang tatlo na po ang sinasabing magme-merge ngayon para kung makapagdesisyon ang Tito, Vic and Joey na lumipat ng channel, itong tatlong malalaking producers na ito ang magsasama-sama para itawid sa atin ang bagong ‘Eat Bulaga,’” sabi pa ni Tita Cristy.

“Nag-ano na pala, nag-headcount. Talaga raw tinanong na, ‘Sasama ba kayo?’ ‘Maiiwan kayo?’” At lahat daw ng tinanong na co-hosts ay sasama sa paglipat ng TVJ.

Tinanong ko nga ‘yung source ko, ano talaga? ‘Lilipat, napakabilis ng sagot, lilipat,’” sabi pa ni Tit Cristy.

“May magbubulagaan at bubulagta,” pahabol pang sabi ng veteran columnist.

Naibahagi rin ni Tita Cristy na posible raw magbalik-GMA ang Wowowin ni Willie Revillame. Ito’y matapos ang pag-alis niya ng kontrata sa ALLTV.

Wala pa namang pahayag sina Tito Sen, Vic, at Joey sa ibinalitang ito ni Tita Cristy gayundin ang TAPE at GMA ay wala pang official statement na ipinalalabas hinggil sa usaping ito.

About hataw tabloid

Check Also

Innervoices

Miyembro ng InnerVoices binato ng sanitary napkin sa show

MATABILni John Fontanilla MAY unforgettable experience ang isa sa miyembro ng bandang InnerVoices, si Angelo Miguel(vocalist) sa …

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …