Saturday , June 15 2024
Bruno Mars

Bruno Mars espesyal sa Pinoy, concert sa Phil Arena inaabangan

RATED R
ni Rommel Gonzales

ESPESYAL sa mga Pinoy si Bruno Mars at espesyal din ang mga Pinoy sa international singer dahil may dugong Pinoy ang singer.

Kaya naman kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner  ang inaabangang event sa Philippine Arena. 

Sa kabila nga ng gahiganteng 55,000 capacity ng world’s largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer.

Ang naunang inanunsiyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa ‘overwhelming demand’ para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer.

Proud naman si Bruno Mars sa kanyang Filipino roots. Puerto Rican ang kanyang ama at Pinay naman ang kanyang ina bagama’t isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaang nagpadala ito ng $100,000 tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas.

Nakilala si Bruno Mars sa mga kantang Billionaire, Just the Way You Are, Treasure, Leave the Door Open, When I Was Your Man, at marami pang iba. 

Hinangaan siya ng marami dahil sa galing sa paggawa ng musika, pagtatanghal, at pagiging mapagmahal nito sa fans. 

Isa lamang siya sa malalaking artists na nakalinyang magtanghal sa Philippine Arena ngayong taon.

Hitik sa international concerts ang Philippine Arena dahil sa dobleng laki ng venue kompara sa mga nakasanayang indoor concert venues sa bansa. Maliban sa mas marami ang nakakapanood, mismong mga artist ang naaaliw sa mas malakas, mas maingay, at mas energetic na crowd na sumasabay sa kanilang pagkanta at pagsayaw. 

Tila nagsisilbi ring barometro ang Philippine Arena sa katanyagan ng international artists sa bansa. Talaga namang tinangkilik ang concert ng Seventeen, BlackPink, at ni Harry Styles. Sa ulat ng local media, Seventeen ang kauna-unahang K-Pop group na nakapuno ng Philippine Arena. ‘Full force’ naman ang Blinke o fans ng BlackPink sa two-day concert ng grupo. 

Lalo pa ngang pinagaganda ng organizers ang concert experience sa Philippine Arena. Panibagong sistema ng traffic flow management ang ipinatutupad habang sinisiguro rin ang transportasyon ng mga gustong makapunta sa venue para manood.

Kaya inaasahang magiging masaya at makabuluhan ang pagtatanghal ni Bruno Mars sa Philippine Arena. Mas malaking venue at mas maraming fans ang makakapanood sa ating kababayan na nakilala sa buong mundo dahil sa knyang husay sa larangan ng musika.

Para sa tickets at iba pang katanungan, bisitahin ang Concert Tickets and Tour Dates | Live Nation Philippines

About Rommel Gonzales

Check Also

TMFF The Manila Film Festival 2024

Tabing ng TMFF ‘24 ibinaba na pelikulang “Three for 100” kinilalang Best Film

PORMAL nang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi …

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Vilma Santos Sharon Cuneta Maricel Soriano Nora Aunor

Vilma, Sharon, Maricel, at Nora magsasalpukan sa 40th Star Awards for Movies

MA at PAni Rommel Placente KAABANG-ABANG kung sino sa apat na movie queens na magsasabong …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …