Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Unbreak My Heart pinalakpakan, sinuportahan ng mga kapwa celebrity

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGDAGSAAN ang mas maraming Kapuso stars kaysa Kapamilya stars na dumalo sa Unbreak My Heart Celebrity Watch Party screening na ginanap sa Trinoma nitong nakaraang araw.

Unang collaboration ang series ng GMA, ABS-CBN, at Viu streaming app pero mapapanood din ito sa free TV ng Kapuso simula sa Mayo 29.

Of course, present ang lead cast ng series na sina Richard Yap, Jodi Santamaria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia. Sa social media ng GMA makikita ang Sparkle stars na dumalo led by Alden Richards.

Sa social media post ng GMA, may video na ipinakitang nagpapalakpakan ang lahat ng nakapanood sa screening ng unang episodes  ng Unbreak My Heart.

Pero kahit may historic collab na ang dalawang networks, hindi pa rin nawawala ang kompetitisyon lalo na sa labanan sa primetime shows – Voltes V: Legacy vs. Batang Quiapo pati na sa writers ng mga show nito, especially S vs J, huh!